CHAPTER 38 “KAILANGAN nating iligtas si Heron, Mahal na Hari!” nababahalang wika ni Queen Hermonia habang pinapanuod nila ang nangyayari sa loob ng Tore ni Babel sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Huminga nang malalim si King Cadmus dahil wala siyang ibang paraan para makatakas sa selda nila. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Hermonia. Kung may kapangyarihan lang sana ako ngayon ay baka magawan ko ng paraang mailigtas ang anak natin,” tugon na sabi ni King Cadmus saka siya napatingin sa palad niya pagkuwan ay kinuyom iyon. Malungkot na pinagmamasdan ni Anghel Gabriel ang mag-asawa. Wala din siyang maitutulog dito dahil kahit ilang beses niyang pakiusapan si God Zeus ay di siya pinapakinggan nito. “Kung walang usapan sina God Zeus at Hades ay baka nagawan na niya nang paraan ‘yon. Masya