Chapter 15

1178 Words
CHAPTER 15 DAGLING tumakbo si Miya nang makita siya ng kawal sa hallway dahil tumakas siya mula sa kaniyang kulungan gamit ang kapangyarihan niya. Nakapagtataka nga naman, paano gumagana ang kapangyarihan niya kung sinilyado ito ni Hades? Hindi na inisip ‘yon ni Miya bagkus patuloy siyang tumakbo hanggang sa mabangga niya ang isang lalaking halatang tumatakbo rin. Laking gulat niyang makita ang mukha nito. “Sabir?” “Miya?” Hinila siya ni Sabir papuntang bakanteng kuwarto nang makita nito ang papalapit na kawal. Humarap si Sabir kay Miya saka muli siya nagsalita. “Paano ka nakatakas?” tanong ni Sabir sabay binitawan ang braso nito. “Gamit ang kapangyarihan ko. Eh, ikaw?” “Pareho tayo, Miya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari sa akin pero nong hinawakan ko ang pinto at inisip kong dumaan dito ay nagawa ko ‘yon.” “Siguro may dahilan kung bakit nagawa natin ‘yon.” Ngumiti si Sabir na tila bagang tumaas dangal niya sa kaniyang sarili. “Siguro ako ang tinanghal na tagapagligtas mula kay Hades,” pagyayabang na wika niya dito palibhasa siya ang nanalo sa Mythic Battle of the Lords. “Nagkakamali ka, Sabir,” pagtanggi ni Miya dito kaya napalingon si Sabir. “Bakit naman hindi? Eh, ako nga ang tinanghal na papalit kay God Ares.” Naningkit ang mata ni Miya na halatang nayayabangan na siya kay Sabir. “Hindi mo ba alam na wala si Heron dito? Siya lang naman ang Panginoon na puwedeng magligtas sa atin.” Napabuga ng hangin si Sabir. Bakit nga ba nasabi ‘yon ni Miya? Sa pagkakaalam niya ay siya na ang pinakamakapangyarihan nilalang sa buong planetang Zeta. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Nasa Planet Earth si Heron ngayon. Dinala siya ni God Zeus do’n para iligtas ang planetang sasakupin ni Hades.” Napakunot-noo si Sabir dahil naguguluhan siya sa sinalaysay ni Miya. “Ngayon ko lang narinig ang Planetang Earth. Saang lupalop ng unibersidad matatagpuan ang mundong ‘yon? At paano siya nakapasok do’n?” “Kasama ko si Heron no’ng bago pa lamang siya dinala ng isang bituin sa ibang planeta. Nalaman ko na lang nang marinig ko ang sinabi ni Anghel Gabriel kina King Cadmus at Queen Hermonia na si God Zeus pala ang nagdala sa kaniya do’n. At siya ang tinanghal na tagapagligtas ng lahat.” Napabuga ng hangin si Sabir dahil napahiya siya kay Miya. “Kung gano’n... ano ang plano natin?” pag-iibang paksa dito kay Miya “Kailangan natin puntahan si Heron sa Earth, dahil alam kong kailangan niya tayo do’n.” “Akala ko ba siya ang tapagligtas? Bakit kailangan pa nating umalalay sa kaniya?” Nagsalubong ang dalawang kilay ni Miya dahil naaasar na siya dito kay Sabir. “Sige. Kung ayaw mong sumama sa akin, dito ka na lang kay Hades. Paglingkuran mo siya sa halip na tulungan mo kaming iligtas ang mga nilalang mula sa kaniya.” Nang akmang lilisanin na ni Miya si Sabir ay biglang hinawakan nito ang kamay niya. “Saglit. Sasama na ako. Gusto kong makatulong kay Heron.” Huminga nang malalim si Miya at seryosong tinitigan niya ito. “Sigurado ka ba? Mangyaring bawasan mo ang pagmamataas mo sa sarili dahil hindi ito ang oras upang ipagmayabang ‘yan.” Pilit na ngumiti si Sabir at nilunok ang puri niya makasama lang siya ni Miya sa Earth. “Pasensya na. Gusto ko lang naman tulungan si Heron.” “Kung gayo’n, sige. Basta hindi ka gagawa ng kung anong kalokohan sa Earth, ha? Naiintindihan mo?” Sa mga oras na ‘yon ay walang kinikilalang Panginoon si Miya dahil sa ugaling pinakita ni Sabir sa kaniya. Bakit naman siya magtitiis na gawin ‘yon kung alam niya sa sariling hindi ito karapatdapat tawaging Diyos o Panginoon? “Anong paraan para makapasok tayo sa Earth?” tanong ni Sabir dito. “Kailangan kong tawagin si Goddess Tala para bigyan tayo ng portal na daan patungon Earth. Siya lang ang may kapangyarihan na gawin ‘yon maliban kay God Zeus.” Naglakad ng ilang hakbang si Miya papasok ng kuwarto pagkuwan ay pumikit siya at tinawag sa isip si Goddess Tala. Naka-limang subok na siya ngunit hindi siya nito pinakikinggan. “Sandali!” sigaw ni Sabir dito kay Miya nang maalala niyang baka madiskubre ni Hades ang dumadaloy na kapangyarihan dito. “Baka malaman ni Hades na ginagamit mo ang kapangyarihan mo dito. Mas magandang tumakas muna tayo at lumayo dito bago mo gawin ‘yon.” Hindi na nagdalawang isip si Miya na gawin ang mungkahi ni Sabir. Mabilis silang nakatakas sa lugar ng mga bihag ni Hades at nagpakalayo-layo dito upang tawagin si Goddess Tala. Pagkalabas nila ay naghanap ng masisilongan ang dalawa. “Dito tayo sa kuweba,” ani Sabir kaya sinundan ni Miya ito. “Sigurado ka bang matatawag mo si Goddess Tala?” “May kapangyarihan akong tawagin ang mga nilalang kahit nasa kabilang daigdaig pa ito.” Umayos ng tayo si Miya at pinikit ang mata upang tawagin ang diwata. Ilang sandali pa ay hindi sila nabigo nang lumitaw sa harap ang isang magandang bathala. “Anong maipaglilingkod ka inyo?” tanong ni Goddess Tala kay Miya. “Alam kong alam mo na ang sitwasyon ngayon. Maaari ko bang hilingin kung puwede kaming makatawid papuntang Earth?” “Mangyari nawa ang gusto niyo, Goddess Miya.” May nilabas na bituin si Tala mula sa kaniyang kamay at hinagis ito sa harap ni Miya at nagpormang portal. “Itong bituin ang magsisilbing daan papuntang Earth,” ani Tala saka nilahad niya ang kaniyang kamay sa umikot na puting portal. “Maraming salamat, Goddess Miya.” “Kayo ba’y kaibigan ni Lord Heron?” tanong ni Tala kaya nanlaki ang mata ni Miya dito. “May alam ka ba kung nasa’n siya ngayon? Maaari mo ba kaming dalhin sa kaniya?” “Kinalulungkot ko, Goddess Miya ngunit hindi ko magagawa dahil limitado lang kapangyarihan ko mula sa mundo ni Hades. Mangyaring pagkapasok mo sa Earth ay gamitin mo ang kapangyarihan mo upang hanapin si Heron, ngunit babala lang... ilang araw ay mawawala din ang kapangyarihang mero’n ka dahil sa kumakalat na itim na kapangyarihan ni Hades.” Napakunot-noo si Miya sa narinig niya. “Ngayon ko lang narinig ang salitang itim na kapangyarihan. Ano ang magagawa ng bagay na ‘yon?” tanong ni Miya dito. “Sa pagkakaalam ko, iyong kapangyarihan na ‘yon ay sumasanib sa katawan ng nilalang na sinasabing tao,” pagsingit ni Sabir dito. “Tama si Lord Sabir. Nagbabago ng anyo ang mga nakatanggap ng kapangyarihan na ‘yon at nagiging halimaw.” Huminga nang malalim si Miya saka binaling ang tingin niya dito sa umiikot na portal. “Papasok na ako.” Hinakbang ni Miya ang mga paa niya papasok dito pagkuwan ay sumunod si Sabir. Pagdating nila ay bumungad sa kanila ang sirang mga gusali na tila bagang halos naubos na ang mga tao sa Earth. “Anong nangyari?" takang tanong ni Miya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD