Chapter 16

2365 Words
CHAPTER 16 UNTI-UNTI nang nasakop ng itim na kapangyarihan ang Earth at nag-anyong halimaw ang mga ito. Wala na ring lumalabas na kapangyarihan kay Heron, at si Jiyeon naman ay mas lalong lumakas ito. Tila bagang hindi na mapipigilan ito dahil halos masakop na ang buong Earth. “Wala na akong makitang tao sa gusali kanina, puro mga halimaw lang ang nakikita ko sa daan. I think this is the end of the world. Parang hinihintay na lang natin ang pagdating ni Thanatos,” takot na wika ni Xavier dito. Nasa condo sila ni Jiyeon pagkatapos nila kay God Yeshua. Malungkot na umupo sa sofa si Heron dahil sa nangyari sa kaniya. Paano na niya ngayon matatalo si Hades kung wala na siyang kapangyarihan? “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Xavier. Anong saysay ko dito na mabuhay sa Earth kung wala naman akong kapangyarihan?” Lumapit si Xavier dito at umupong katabi niya. “Ayon sa nabasa ko, ‘May mawawalan ng kapangyarihan ngunit magbabalik ito dala ang taglay niyang lakas.’ Baka dumating ang araw na makukuha mo rin ang kapangyarihan na ‘yon. Sa ngayon, mag-aral ka muna ng mga self-defense o mga galaw na hindi mo pa alam tungkol sa pagiging mandirigma.” “Hindi na kailangan, Xavier. Marunong na ako at pinag-aralan ko ang mga bagay na ‘yon.” “Gano’n ba? Marunong ka rin po ba gumamit ng baril?” Napataas ng kilay si Heron dahil ngayon niya lang narinig ang bagay na ‘yon. “Baril? Mukhang pamiliar sa akin ang sinasabi mo.” “Naalala mo ang halimaw na kalaban natin sa convenience store? Baril ang sandatang ginamit niya,” wika ni Jiyeon dito. “Puwede ko bang pag-aralan ‘yon?” “Oo, pero wala akong alam kung sino ang magtuturo sa’yo.” Dagling pumasok ng kuwarto si Jiyeon at kinuha ang laptop niya. “Hindi pa naman siguro sira ang mga network ngayon. May ilang mga tutorials sa UTube kung paano ang tamang paggamit ng iba’t ibang klase ng baril, kailangan lang natin ng sandata. Saan tayo kukuha?” ani Jiyeon habang may sinusuri siya sa internet. “May alam akong tindahan ng mga baril. Nasa Port Arms Trading malapit dito,” wika ni Xavier sa kanila. Bumaba silang tatlo patungong parking lot at sumakay sa kotse ni Jiyeon. Pagdating nila sa harap ng Port Arms Trading ay napahinto sila nang marinig nila ang sigaw ng babaeng hinahabol ng halimaw. “Tulongan niyo ako! Parang awa niyo na!” naiiyak na sigaw ng babae. Akmang susugod na si Jiyeon upang gamitin ang kapangyarihan niya ngunit natigilan siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. “I don’t know how to use this power!” natatarantang wika niya kay Heron. “Gawin mo ang nasa isip mo, Jiyeon! May naalala ka bang mga bagay na ginagawa ni Heron no’ng sumanib siya sa’yo?” ani Xavier dito kaya napaisip nang malalim si Jiyeon at sinubukan niyang lumutang sa hangin pagkuwan ay bumuo siya ng bilog na kapangyarihan gaya ng ginagawa ni Heron noon. Nanlaki ang mata ni Heron sa nakita niya dahil ramdam niya ang lakas ni Jiyeon na tila bagang kasing lakas niya no’ng panahong may kapangyarihan pa siya. Di kalaunan ay naging asul ang mata ni Jiyeon, at may kung anong hugis na bituin ang nakita nila sa noo niya. “I...Iyon ang kapangyarihan ng Kintana,” manghang wika ni Xavier nang matantuan niya ‘yon. “Ano ang ibigsabihin ng Kintana?” tanong ni Heron dito. “Enerhiya ng isang bituin na bumabalot sa katawan ni Jiyeon. Iyon ang kapangyarihan niya.” Pinagmasdan ni Heron kung paanong nakipaglaban si Jiyeon sa halimaw at nakita niya ang taglay nitong lakas nang matalo nito ang kalaban. Bumaba si Jiyeon mula sa alapaap pagkuwan ay pinasalamatan siya ng babae. “M-maraming salamat po!” Ilang sandali pa ay narinig nila ang iyak ng isang batang babae na labinglimang taong gulang na habang tinatawag nito ang ina. “Nay!” anito saka tumakbo at niyakap ang ina. “Joana, anak! Mabuti’t ligtas ka! Asa’n tatay mo?” Humagulgol ng pag-iyak si Joana bago ito nagsalita. “Pinatay ng halimaw si Tatay, Nay. Paano na tayo mabubuhay ngayon? Saan na tayo kukuha ng pagkain? Sira na lahat, Nay! Magugunawa na ba ang mundo?” “Shhh. Tahan na... hindi pa magugunaw ang mundo,” tugon nito nang haplusin ang likod ng bata. Matapos ang usapan ng dalawa ay maswerteng may dumaan na army truck upang i-rescue at dalhin lahat ng mga survivors na hindi infected ng halimaw sa safe zone. Bumaba ang dalawang nakaarmas na sundalo at lumapit sa mag-ina. “May iba pa ba kayong kasama maliban sa kanila?” tanong ng lalaking sundalo na tinutukoy sina Heron. “Kami lang po, Sir,” sagot ng Nanay. “Gano’n ba? Sige pumasok na kayo,” utos ng sundalo kaya umakyat na ang mag-ina sa army truck. Tanaw ni Joana ang bakas sa mukha ng ilang mga survivors dahil sa takot. Nakita niya ang isang babaeng may dalang bata na sa palagay niyang bagong silang pa lamang ito. Tumabi siya dito at ngumiti. “Ilang buwan na po si baby?” “Mag-da-dalawang buwan pa lang.” “Nasa’n po ang tatay niya?” Biglang bumuhos ang luha ng babae kaya hindi na pinilit ni Joana itanong uli iyon. “K...kinuha siya ng mga halimaw, pinatay at... at... pinagpyestahan,” naiiyak na sagot ng babae dito kaya walang magawa si Joana kundi haplosin ang likod ng babae daan upang maibisan ang bigat sa dibdib. Huminga nang malalim si Heron dahil nagkamali siya nang piliin niyang magkaro’n ng sariling kapangyarihan si Jiyeon imbis na pigilan niya ang itim na kapangyarihan. “Kasalanan ko ‘to, ani Heron nang isisi niya ang kaniyang sarili. “H’wag mong sisihin ang sarili mo, Lord Heron. Tama lang ang ginawa mong pagsakripisyo dahil kung walang kapangyarihan si Jiyeon, baka hindi niya matatalo ang mga halimaw,” ani Xavier kay Heron. Ilang sandali pa’y may lumapit ang isang sundalo sa kanila. “Hindi kayo sasama sa amin?” tanong nito sa kanila. “Hindi po, may pupuntahan pa kami. Susunod na lang po kami,” sagot ni Xavier dito ngunit nagpupumilit ang sundalong sumama sa kanila. “This is mandatory, ayaw naming mapahamak kayo. Delikado ang sitwasyon natin ngayon kaya kailangan namin kayong iligtas.” Ngumiti si Xavier at kalmadong tinanggihan niya muli. “Naiintidihan ko po ang ibig mong iparating sa amin pero pasensya na po kayo, Sir. May pupuntahanan pa po talaga kami.” Napahimalos ng mukha ang sundalo saka hinawakan niya ang braso ni Xavier upang pilitin itong dalhin ito sa loob ng army truck. “Ano ba?! May kaparatan kaming tumanggi bakit pinipilit niyo sa amin na sumama?” protesta ni Xavier habang pilit na tinatanggal niya ang pagkahawak ng sundalo sa braso niya. Di kalaunan ay may narinig silang dagundong na tantya nilang papalapit na na mga halimaw papunta sa direksyon nila. “Andito na mga halimaw!” sigaw ng sundalo kaya dagli silang pumasok sa truck at pinaandar ito. Naiwan na lamang ang tatlo, at laking gulat ni Xavier nang matantuan ang nakakatakot na anyong mga oso. At mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang mga pangil nito at may tumutulong laway mula sa bibig. Nanginig ang buo niyang katawan kasabay ng pagtindig ng mga balahibo niya sa pangambang baka siya patayin nito. “Pasok na tayo sa kotse!” sigaw ni Jiyeon pagkapasok niya sa sasakyan pagkuwan ay sumunod si Heron ngunit naiwan si Xavier habang tulalang tinitigan nito ang halimaw. “Ano pang hinihintay mo, Xavier? Halikana!” sigaw ni Heron dito ngunit di siya pinakinggan. Wala siyang magawa kundi lumabas ng sasakyan at hinila ang kamay ni Xavier bago pa ito kunin ng halimaw. Pagkapasok ng dalawa ay mabilis na nagmaneho si Jiyeon. Hindi pa nakakalayo ang sasakyan ay naabutan sila ng mga halimaw kaya hinila nito ang likod ng sasakyan upang pigilan ang pagtakbo nito. Di nagpatalo si Jiyeon kaya pinilit niyang mas bilisan lalo ang pagtakbo ng sasakyan kaya nakawala sila. “I...Ilan ba sila? Nabibilang ba?” tanong ni Jiyeon kay Xavier na nasa likuran. Napalunok ng laway si Xavier habang pinapanuod ang mga nagsisitakbong halimaw sa likod ng kotse. Nanlaki ang mata niya nang bigla dumami pa ang mga humahabol sa kanila. “H...hindi ko na ata ito mabibilang dahil sa dami nila. Lampas pa ata sa kalendaryo ang bilang!” sigaw ni Xavier kaya napahiyaw siya sa takot. “Baka may alam kang paraan para makaiwas sa kanila? Hindi ata kakayanin ng kotse mo dahil ang bilis din nilang tumakbo!” dagdag na wika ni Xavier dito. “Gamitin mo ang kapangyarihan mo, Jiyeon,” wika ni Heron dito. “I’m trying! But, hindi ko alam kung paano ko muling ilalabas ang kapangyarihan ko di tulad kanina!” tugon ni Jiyeon sa kanila kaya huminga nang malalim si Heron dahil wala silang magawa kundi ipagpatuloy ang pagtakas nila mula sa mga halimaw. “Oh sh*t! Bakit hindi ako nagpa-gasolina kanina?” wika ni Jiyeon sa sarili kaya napapikit na lamang si Xavier sa pag-aakalang katapusan na nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD