Chapter 103 Carrie "Anak, we need to do something. Magsampa tayo ng kaso sa lahat nang ginawa ni Garrie sa atin. Ipinahiya niya tayo sa libo-libong fans mo---" "Fans ko? No. Fans ni Garrie ang mga iyon. Mommy, si Garrie ang nagwagi. Wala ng kwenta ang buhay ko," wala nang pumapatak na luha sa mata ko. Parang nawalan na ako ng reason para umiyak. Naubos na yata sa ilang araw na ring pag-iyak ko. "Anak, may laban ka pa. Idaan natin ito sa legal---" "Hindi ka ba nagtataka, mommy? Bakit until now ay wala pang mga brands na nagpapadala ng mga abogado nila rito sa atin? For sure na handle na ng mga Claverra ang legal matters. Kung babatuhin natin nang usaping legal... mas mauubos tayo, mommy. Wala na akong career na babalikan. Tinapos na ni Garrie. Habang siya ay masayang-masaya sa buhay n

