Chapter 104 "Stop! Stop!" dinig kong sigaw ni Rusco. Nagising akong wala na sa tabi ko ang asawa ko. Kaya dali-daling naligo at nagbihis ako. Pagbaba ko ay dumeretso ako sa labas dahil doon ko naririnig ang takot na takot na tinig ni Rusco. Nakabalik na kami rito sa hacienda. Mas payapa talaga rito. Natanaw ko ang kambal at si Rusco. Nakakalat din ang mga tauhan. Gets ko na kung bakit parang takot na takot si Rusco. Sa magkaibang direction tumutungo ang kambal, at kahit pa maraming tauhan ay siya lang ang humahabol sa kambal. Nakita ko rin si Sassy na nakaupo sa picnic blanket at tawang-tawa habang pinagmamasdan ang mga ito. Lumakad ako patungo rito. Tumabi sa blanket na kinauupuan nito. "Ang gandang pagmasdan ng mag-aama ko, ma'am!" ani ni Sassy. Kaya agad akong napasimangot at piniti

