Chapter Eighty-five part two "Nag-positive na ako sa pregnancy test. In-check na rin ako sa clinic. Pero kakailanganin pa rin na bumiyahe ako sa kalapit na bayan para sa ultrasound." "Sasamahan kita---" "No, Rusco. Hindi pwede. Mas mahihirapan akong magtago kung magkasama tayo. Kaya naman kami na lang nila Sassy at ng mga bantay," nakaunawa namang tumango ito. "Hindi rin ako pwedeng magtagal. Aalis din ako dahil iyon ang napagkasunduan namin ni Ninang Herea. Mamayang 5 am ang alis ko dahil 7 am ay may event sa isang bayan sa San Carlos. Kailangan ang presensya ko roon." "Gano'n ba? Kumain ka na ba?" "Yes, baby. Nakapag-dinner na ako." "Okay. Ikaw na lang pala ang isusubo ko," ani ko rito. Namilog ang mata ng lalaki. Hinila ko siya papasok. Akala ba niya'y joke lang ang pagcra-crav

