Chapter Eighty-five part one "Garrie," ani ni Tita Herea sa akin. Ilang linggo ang lumipas. Apat na linggo na yata ako rito sa Isla, at nasasanay na sa buhay rito. Ngayon lang bumisita ang ginang na isa sa may-ari ng isla. "Hello po, Tita Herea!" ani ko na bumeso rito. "Tuloy po kayo," sabay giya rito papasok. "Kumusta ka naman dito, hija?" gumala ang tingin nito. Napangiti. "Okay na okay po. Tita, I'm glad na makita ka po rito. Kumusta po? Ano pong balita kay Anshil?" kimi ang naging ngiti nito. "Nasa ospital, hija---" "Until now po? Malala po ba ang naging lagay?" concern na tanong ko rito. "Okay na si Anshil. Pero iyong fiance niya ay hindi. Comatose. Walang sign kung kailan magigising," napabuntonghininga ako sa narinig. "Gano'n po ba, Tita. Hayaan n'yo po't ipagdarasal ko si M

