Chapter Eighty-four part two Carrie Del Pietto Sinubukan ko. Kaya ko naman at ilang mga photoshoot naman na ang napagtagumpayan ko. Ngunit iyong expectations nila Ma'am Keia ay expectations na kayang ibigay ni Garrie. Magpo-post lang naman sa harap ng camera... pero hindi ko alam kung bakit kapag ginagawa ko ay conscious na conscious ako. Iba ang pakiramdam kapag umaarte ako, sa field na iyon ako magaling. "Are you ready, Carrie? Ipakita mo sa amin ang kaya mong gawin." Seryosong-seryoso si Ma'am Keia. Sinulyapan ko ang ina ni Rusco, nag-thumbs up lang naman ito. Huminga ako ng malalim. Kaya ko ito. Suot ko ang isa sa gown na obra ni Ma'am Keia. Pati mga alahas na limited edition ay suot ko rin. Nang sumenyas ang photographer na magsisimula na ay inihanda ko na ang sarili ko. Sunod-su

