Chapter Ten
Katatapos ko lang mag-shower. Nakabihis at nakaayos na ako, 9 am na. Pupuntahan ko si Carrie para ipaalala rito ang mga gamit niya. Mamayang hapon ay uuwi na kami. Back to reality na ulit ito.
Dalawang beses lang akong kumatok saka binuksan ang pinto. Pero sana'y hindi ko na lang ginawa. May dalawang bastos... wait, ako yata iyong bastos dahil ako iyong biglang dumating.
Naghahalikan sa ibabaw ng kama ang dalawa. Mukhang masyado na silang matagal sa gano'n posisyon, dahil hawak-hawak na ni governor ang hita ng kapatid ko... at ayaw ko ng ilarawan pa.
Dahil sa biglang pagpasok ko'y nahinto ang dalawa at parang hindi nakagalaw sa pwesto nila. Kumatok naman ako pero parang hindi nila narinig.
"Nakaistorbo ba ako?" painosenteng ani ko para hindi malagyan ng awkwardness ang loob ng silid na iyon.
"Ah, h-indi. Nag-e-stretching lang kami."
Pulang-pula ang mukha ni Carrie na bahagyang itinulak ang kasintahan niya. Ang cute tuloy ng reaction ng kapatid ko. Aba'y minsan lang itong mahiya ng gano'n. Kaya imbes na lumabas ay pumasok pa lalo ako at nagtungo sa kama.
"Garrie, l-abas ka muna---" nang tignan ko si governor na siyang nagsalita no'n ay nginisihan ko lang siya. Pulang-pula rin ang mukha nito, isama pa ang tenga at leeg nito.
"Busy ba kayo?" ani ko.
"No, Garrie!" medyo malakas na ani ni Carrie. Tapos pinandilatan pa nito ng mata ang kasintahan niya.
"Ako pala ang lalabas," kamot ulong ani ng gobernador. Saka ko lang napansin na bukas na ang zipper ng pants nito. Tumalikod ito't inayos muna iyon bago kakamot-kamot sa ulong lumabas.
"Carrie!" ani ko agad sa kakambal. "Ang aga-aga pa!" tinawanan lang ako nito at iniayos ang panty niya. Damn this girl!
"Alangan namang gabi, Garrie. Nakauwi na tayo no'n."
"Kaya kahit na maliwanag na maliwanag?" pinanlakihan ko pa ito ng mata.
"Why not? Wala namang rule na sa umaga lang gagawin."
"Are you kidding me?"
"No, Garrie. Pwede sa umaga, tanghali, at gabi."
"Nakakaloka ka, 'bal!"
"Ano bang sadya mo'y inistorbo mo kami?"
"Well... sasabihin ko lang naman na ihanda mo na iyong mga gamit mo para wala kang maiwan."
"Girl, hapon pa ang alis natin. Masyado kang excited."
"Hindi, ah! Plano ko pa ngang maglakad-lakad after dito."
"Ha? Sinong kasama mo? Hindi ka lalabas na mag-isa lang, Garrie."
"Bawal?" napangusong tanong ko. Plano ko pa namang lumabas ng lupain ni Governor Rusco at tignan ang pwede ko pang Makita sa labas.
"Bawal kung wala kang kasama."
"Okay. Samahan mo na lang ako, 'bal!" I said.
"Ha? Ayaw ko nga. Boring naman gawin iyon."
"Heay! Palagi kitang pinagbibigyan, ako naman sana ang pagbigyan mo. Hindi mo ba ako mahal?" pagdradrama ko rito.
"Garrie Del Pietto---"
"Hindi mo nga ako mahal... nauunawaan ko naman."
"b***h, shut the f**k up! Let's go!" ani nito na malakas kong ikinatawa. Papayag din pala.
"Maghugas ka muna ng pepe, Carrie---" nang tumayo ito'y napapadyak pa ito pero pumasok din naman ng banyo.
--
"Samahan ko na kayo," offer ni Xavi. Inabutan namin si governor at si Xavi sa sala na nag-uusap, nang tanungin ng gobernador kung saan kami pupunta ay agad na nag-offer si Xavi na samahan kami.
"Let's go!" sabi naman ni Governor Rusco na biglang kasama na rin. Ang ending apat na kaming naglalakad ngayon palabas. Pansin ko na gusto sanang sumabay sa akin ni Xavi, pero mabilis si Carrie. Tapos tinutulungan ni Governor Rusco si Carrie sa mg plano niya... na maiiwas ako kay Xavi.
"Bakit ba ako ang sinasabayan mo at hindi ang boyfriend mo?" hindi ko na napigilan pang tanungin ang kakambal ko.
"Tsk. Feeling ko type ka ni Xavi. Kaya para hindi makadiga sa 'yo ay babantayan kita... natimbrihan ko na rin ang boyfriend ko. Sinabi kong ayaw ko si Xavi sa 'yo, kaya gumagawa rin ng way para hindi ka malapitan---"
"That's not right, Carrie. Hindi ko man type si Xavi... pwede ko rin naman siyang maging kaibigan."
"No. Naive ka pa sa mga ganyang bagay, Garrie," napabuntonghininga naman ako't pasimpleng tinignan si Xavi. Agad namang kumindat ang lalaki... may sakit ba sa mata itong taong ito?
Malayo-layo na ang nalakad namin. Naririnig ko na ang reklamo ni Carrie. Pero kasi'y minsan lang ang pagkakataong ito.
"I'm so tired na, Garrie," kinalabit pa ako ni Carrie. Huminto kami sa paglalakad. Gano'n din ang dalawang lalaki. "Gusto ko nang bumalik. I'm so tired na talaga."
"Okay, balik na tayo." Sumang-ayon na rin ako dahil baka mamaya'y magising na ang natutulog na dragon nito. Baka rito pa sumambulat sa mahabang kaldasa ang inis nito.
"Pagod na talaga ako... wala bang dumaraang sasakyan dito? Pwede bang tumawag na lang tayo ng sundo?"
"Iyong kabayo ko ay ilang minuto lang mula rito. Pwede kong kunin iyon para roon ka na lang sumakay."
Nag-offer na si Xavi sa kakambal ko.
"Sure!" ani naman agad ni Carrie. Nang iwan niya kami ay naghintay lang kaming tatlo sa pagbabalik nito.
"Love, si Xavi na ang maghatid sa akin sa bahay. Tapos sabay na kayo ni Garrie na umuwi---"
"Ha?" takang ani ko rito.
"Tsk. Hindi pwedeng magka-alone time kayo ni Xavi, Garrie. Sabi rin ni Rusco na playboy iyon."
"Love, ako na ang maghatid sa 'yo---" nag-aalok pa lang ang gobernador ay nag-angat na ng kamay si Carrie para pahintuin ito.
"No, Rusco. Mas safe sa 'yo ang kakambal ko kaysa kay Xavi. Nararamdaman ko ang kalandian ng lalaking iyon... baka mauto pa niya si Garrie."
Nakabalik si Xavi. Bababa pa lang sana ito pero naiangat na ni Governor Rusco si Carrie.
"Ingat, Xavi. Huwag mong bilisan ang pagpapatakbo kay Spike," bilin ni Governor Rusco sa pinsan niya.
"Ako ang maghahatid?" ani ni Xavi saka tumingin sa akin.
"Yes, Xavi! Tara na!" ani ni Carrie na natawa pa. Wala tuloy nagawa ang lalaki kung 'di patakbuhin na ang kabayo.
"Ang kulit ng kakambal mo... tulungan ko raw siya na hindi kayo magkalapit ni Xavi," napabungisngis pa ito saka sumulyap sa akin. Nagsimula kaming naglakad.
"Hindi ba matino ang pinsan mo?"
"Playboy, Garrie. Hindi nababakante at dala-dalawa pa ang babae. Gusto mo ba iyon sa lalaki?" agad naman akong umiling.
"No, pero totoo bang gano'n siya?"
"Yup. Dahil kakambal ka ni Carrie ay ayaw ko rin naman na madamay ka sa kalokohan ni Xavi. I'll protect you kagaya nang ginagawa ng kakambal mo sa 'yo."
"Okay. Pero pwede kaming maging magkaibigan---"
"Hindi lang pagkakaibigan ang gusto niya, Garrie. I know my cousin." Bahagya pa itong umiling-iling.
"Gano'n kalala ang pagiging playboy niya?"
"Yup!"
"Sige, huwag na lang pala kahit pa friend lang. Ayaw ko ng sakit ng ulo."
"Garrie, uuwi na kayo later. Pwede bang kapag busy si Carrie ay bigyan mo ako ng update sa kanya?"
"Update?"
"Yup. Alam ko namang hindi kayo palaging magkasama. Pero if ever magkasama kayo at busy siya... update mo ako sa mga ginagawa niya. Hirap kami sa mga schedules namin. Pati ang mag-usap sa phone ay medyo hindi pa nagkakatugma iyong availability namin."
"1k isang update---"
"Make it 5k, Garrie. Isang text lang."
Agad akong naglahad ng palad nito.
"Deal, governor!" ani ko. Mukhang kikita ako sa nobyo ni Carrie. "Basta habaan mo lang ang pasensya mo sa kanya, ha. Sobrang hectic ng schedule niya...saka sa line ng work niya na hindi maiiwasan ang mga intriga ay habaan mo sana ang pang-unawa mo."
"Don't worry, malaki ang tiwala ko kay Carrie. Mahal ko ang kakambal mo, Garrie. Kapag nagmahal ako... buhos. Kasama sa pagmamahal ko iyong tiwala ko."
"Good! Good! Ganyan siguro talaga kapag matured na... ganyan na ba mag-isip ang mga nasa ganyang edad?" inosente naman iyong tanong ko rito. Pero parang hindi siya happy, why kaya?