11

1521 Words
Chapter Eleven "Bye, love!" kumaway pa ang gobernador sa kanyang kasintahan na ang tagal ding hinalikan habang kaming lahat ay nakamasid. Para silang gumagawa ng kissing scene, tapos watcher kami. "Bye, Rusco! I love you, love!" ani ng kapatid ko. Mukhang hindi pa yata roon matatapos iyon. Kaya inakbayan ko na si Carrie. "That's enough! Let's go, Carrie. Bye, old man!" ani ko na kumaway pa kay governor. Napanganga ang lalaki na hindi na nakasagot dahil sumakay na kami sa helicopter. "Ikaw talaga! Anong old man ka d'yan?" ani ni Carrie na pinalo pa ako sa hita pagkaupo ko. Tinawanan ko lang ito. Saka umayos na ng upo. Uuwi na kami. Nasa biyahe pa lang ay nagche-check na ng mga script si Carrie. Ako naman ay tamang pahinga lang. Nakauwi kaming ligtas, deretso agad ako sa kwarto para magpahinga. Nagising na lang dahil sa aking ina na sige sa pagyugyog sa akin. "Mommy?" takang ani ko. "Bangon, Garrie!" "Why po?" ani ko. "Anak, masyadong pagod si Carrie ngayon. Tumawag ang manager niya at may meeting daw sa isang producer. Malaking project ito, Garrie. Kilos ka at ikaw ang isasama." "Mommy, ano pong alam ko d'yan?" frustrated na ani ko. "Basta kumilos ka... papunta na ang mga tauhan---" "Mommy, tumawag ang manager ko. Next week na lang daw po," biglang sulpot ni Carrie. "Hindi mo na po dapat inistorbo si Garrie. Sorry, Garrie!" ani ng kakambal ko. "Bakit ka nagso-sorry? Aba'y kailangan din naman niyang kumilos-kilos. Hindi siya prinsesa rito sa bahay. Palamunin pa nga eh." "Tama na iyan, halika na sa labas." Naiwan akong tulala. Never naman akong naging prinsesa. Bakit naman naisip ni mommy iyon? Ilang minuto lang ay bumalik din si Carrie. "Are you okay, 'bal?" ani nito sa akin. "P-alamunin ako... tama, palamunin." "Heay! That's not true, Garrie! Hindi ka palamunin," tanggi ni Carrie. "Palamunin ako, C-arrie. Iyon ang tingin ni mommy. Kaya ko namang magtrabaho... gusto ko rin namang magtrabaho pero... magtratrabaho na lang ako. Ayaw ko nang masabihan ng palamunin." Naiyak ako dahil sa sama ng loob. "No. Hindi ka sabi pwedeng magtrabaho. Dito ka lang sa bahay, Garrie. Saka hindi mo rin naman kaya sa labas. Magkakaproblema lang tayo kung ipipilit mo ang pagtratrabaho. Hindi mo kaya sa labas... sa maraming tao---" "Pero palamunin lang kasi ako---" "Garrie, kung ayaw mong mag-away tayo ay hindi mo ipipilit iyang gusto mo. May monthly allowance ka naman sa akin. Hindi mo kailangan ng trabaho." Kung tutuusin iyong monthly allowance na iyon, pinagtratrabahuan ko lang din naman dito. Pero dahil ayaw kong mag-isip ito ng iba sa bagay na iyon ay tikom lang ang bibig ko. "I think kailangan ko na, Carrie. B-aka kailangan ko na ring bumukod lalo't nasa legal age naman na ako---" "No. No. Huwag ngang matigas ang ulo, Garrie. Nakakainis ka naman," nagulat ako sa biglang sigaw nito. Tumayo ito't lumabas ng silid ko. Akala ko'y okay na pero si mommy naman ang bumalik. Hindi ko alam... may kutob akong nagsumbong si Carrie kay mommy. "Gusto mong magtrabaho?" bulyaw nito kaya napabalikwas ako. "M-ommy?" "Ano, Garrie? Paiiralin mo na naman ba ang tigas ng ulo mo? Hindi ka pa ba nadala sa nangyari noon? Matigas pa rin ang ulo mo?" pagkalakas-lakas na sigaw nito. "M-ommy, gusto ko lang din namang makatulong. K-aya ko naman pong tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya ko pong magtrabaho, para hindi na rin masabihan pa na p-alamunin." Ngunit nasampal lang ako dahil sa dahilan ko. "So, minamasama mo na iyong sinabi ko sa 'yo?" gigil na tanong nito. "Palamunin ka naman talaga rito sa bahay. Naibibigay naman sa 'yo ang mga kailangan mo. Ang hiling lang namin ay mapirmi ka at hindi kailangan lumabas para magtrabaho. Tapos sasabihin mo iyan!" "P-ero kaya ko naman pong magtrabaho sa l-abas," iyak kong sagot dito. "Kaya ko rin pong makatulong sa inyo ni daddy... hindi kasing laki ng kayang ibigay ni Carrie pero kaya ko rin, kaya ko ring mag-provide para sa sarili ko." Masagana na ang luhang bumabasa sa mukha ko. "Pinapahirapan mo na naman ako, Garrie?" ani ng aking ina na lumungkot pa ang tinig. "Mula noon hanggang ngayon ay pinahihirapan mo ako, anak." "M-ommy, hindi po!" ani ko. "Mahirap bang lunukin na lang ang mga salitang naririnig mo, Garrie? Salita lang iyon, kung alam mong hindi totoo ay pwede mong itikom ang bibig mo. Bakit ka ganyan? Hindi ka nga pwedeng lumabas... ang kailangan mo lang ay sundin ang mga utos namin at sinasabi namin. Hindi mo kailangan literal na magtrabaho!" muling singhal nito. Nagsimula ito na palu-paluin ang sarili niya. Agad akong tumayo para lapitan at pigilan ito. "Stop, mommy! Stop!" takot na ani ko. "S-orry po. H-indi ko na po ipipilit. Stop hurting yourself po," pakiusap ko pa rito. "S-usunod na po... kahit anong sabihin n'yo... kahit anong iutos ninyo." Huminto naman ang aking ina at napangiti sa akin. "Ayaw mo naman na sigurong maulit iyong dati, 'di ba? Noong pinairal mo ang tigas ng ulo mo ay may nawala sa atin... ngayon hindi mo naman na uulitin iyon, 'di ba?" "Opo, mommy. S-orry po! Sorry!" ani ko. Nakayakap ako rito. Umiiyak pa rin ako pero kalmado na ito. Itinulak niya ako kaya bumagsak ako sa kama. "Ayusin mo ang sarili mo. Tumahan ka na sa pag-iyak. Hindi na mauulit ang usapang ito. Tapos na tayo rito." "O-po," pinunasan ko ang basang mukha ko. Tumalikod ito't iniwan na ako. Iniwang wala pa ring options sa sarili. Tanginang guilty iyan, ilang taon na ang lumipas ay hina-hunt pa rin ako. Kaya hindi ko rin magawang piliin ang sarili ko, hindi ko tuluyang mapayagan ang sarili ko na magdesisyon para sa akin. Kasi may kasalanan ako sa kanila na hanggang ngayon ay pinagbabayaran ko pa. Nang mga sumunod na araw ay nagkulong lang ako sa bahay. Pwede naman akong lumabas, pero para mamasyal lang. Hindi pwedeng magtrabaho katulad nang ipinipilit ko sa kanila. Ngayon, abala na ang makeup artist sa pag-aayos sa akin. Ime-meet ko raw with my sister's manager ang producer na nagbabalak gumastos ng milyon-milyon para sa project ni Carrie. I'm scared... ilang beses nang na issue ang producer na iyon ng s****l assault. Kaya siguro ako rin ang nais nilang humarap dahil nga gano'n ang taong iyon. "Nakabantay naman ang manager ni Carrie sa 'yo. Pati iyong dalawang bodyguard. Kung may plano man si Producer Cheng na hindi maganda ay may mga kasama kang proprotekta sa 'yo. Hija, galingan mo. Dapat ay si Carrie ang talagang makakuha ng musical project na iyon." "O-po." "Hindi ka naman siguro matatakot 'di ba? Tatlo lang kayo sa dinner, walang crowd na kukuyog sa 'yo roon. Relax ka lang." "Opo, mommy." "Done!" ani ng make-up artist. "Tignan ko nga..." pinagmasdan naman ako ng aking ina. "Perfect! Parang si Carrie talaga," sabi nito na malawak pang napangiti, 'Parang si Carrie, never si Garrie.'. "Garrie, pakinggan mo lang ang mga sasabihin ko sa 'yo at iyong ire-reply mo sa mga tanong ni Producer Cheng. I know you can do it, 'bal!" pagche-cheer pa ni Carrie sa akin. "I'm scared lang kasi talaga sa kanya at alam kong mami-mess up ko ang meeting na iyon." "A-ko na ang bahala," sagot ko rito. "Make sure ako ang mapipili sa role, Garrie," tumango na lang ako. Nang sabihin ng manager na aalis na ay iniabot sa akin ni Carrie ang bag na gagamitin ko. Hindi ko nakaligtaan na ilagay roon ang cellphone ko. Nang lumulan kami sa van ay medyo mabilis na naman ang kabog ng dibdib ko. Isa na naman sa araw na kailangan kong magpanggap. "Hayaan mo lang na kami muna ang mag-usap ni Producer Cheng. Kung tanungin ka niya or isali sa usapan ay maging maingat ka lang sa mga salita mo. Mas mabuti kung magiging tipid." "S-ige po." "Ilang beses mo na rin namang nagawa ito, Garrie. Masyadong malaki itong project na pag-uusapan with Producer Cheng. Sayang kung mapapalampas natin." "M-akukuha po natin iyon." "Magkakaroon kasi ng audition para sa musical movie na gagawin, Garrie. Bago pa ang audition ay tinitignan na ni Producer Cheng iyong mga pwede niyang isalang at pagpilian. Kami na ng mommy mo ang bahala sa ibang arrangements kapag nasungkit mo ang malaking project na ito." "O-kay," tipid na sagot ko. Sa isang hotel kami nagtungo. Ang dalawang bodyguard lang ni Carrie ang kasama ko at ang manager. Sa isang VIP room kami pumasok at doon inabutan ang producer na tinutukoy nila. "Wow! Narito na Ang napakagandang diva!" ani ng matandang bansot na may malaking tiyan. Sinalubong ako nito at bumeso pa sa akin. Bukod doon ay niyakap pa niya ako, ang isang palad ay bahagyang sumimple ng pisil sa pang-upo ko. Nandiri ako. Pero ipinaalala ko sa sarili ko na narito ako dahil kay Carrie at mommy. Kailangan makuha ng kapatid ko ang project na ito. Pinakawalan din naman agad ako. Nang naupo kami ay gusto ko sana roon sa upuan na medyo may distansya kay Producer Cheng pero ako iyong napwesto sa medyo malapit. "Hija, alam ko talagang ikaw ang perfect sa proyektong ito. Pero ano ba ang kaya mong ibigay para makuha ito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD