Chapter Ninety-two Rusco Claverra "Hindi ko tatanggapin ang ibinabalik mong isang daang milyon, Lily---" "Oh yes! Thank you so much. Deserve ko rin naman ito kasi pinaghirapan ko rin naman ang pambubudol sa 'yo---" "Lily, hindi ko tatanggapin pero may gusto akong ipagawa sa 'yo sa pera na iyan," agad naglaho ang excitement sa mukha ni Lily. Mukhang pera talaga ang babaeng ito, at aminado naman siya. Ang perang ibinabalik niya ay alam ko namang may paggagamitan talaga siya. "Hindi mo tatanggapin? Tapos may ipagagawa ka pa sa akin? Aba'y abusado ka naman yata. Baka gusto mong pag-isipan muna iyang plano mong sabihin. Alam mo namang mahal ang talent fee ko, right?" ani nito na may halong yabang habang nagsasalita. "I know, Lily. Gamitin mo ang perang iyan para sa mga biktima ng demonyon

