Chapter Ninety-one Lily "May relasyon kami ng ina ni Garrie at Carrie... ang bunsong anak ng mga Del Pietto... anak ko iyon. Ang sabi ni Evelyn Del Pietto... malaki ang potential ng anak niyang si Carrie Del Pietto sa mundo ng entertainment. Nais niyang maging artista ang kanyang anak. Kailangan n'yang makapasok sa industry ng may ingay ang pangalan para mapansin agad siya. Plano naman talaga namin na kunin ang anak ko... ayaw rin naman ni Evelyn na nasa poder niya ang bunso dahil sa kalagayan ng bata. Magiging bahid din daw iyon sa pangalan ng kanyang anak... a-ksisente ang pagkakabangga ng anak ko. Wala na siyang buhay... na-revive lang siya. Pinalabas na lang na patay siya at ako na ang nagpatuloy sa pagpapagamot sa kanya. Iyong pagdukot kay Garrie... iyon ang planado talaga. Plinano

