Chapter Ninety 2 Alam ko na kung sino ang taong iyon. Ang demonyo sa buhay ni Garrie at Rusco. Habang nagmamatiyag kami ay natuklasan ko kung sino talaga ito. "Kakayanin kaya ni Rusco ang torture?" naisatinig iyon ni Cors na halatang nag-aalala sa sitwasyon ng lalaki. "Kakayanin niya iyan. Hindi naman 100% na natatanggap ng katawan niya ang ine-expect ng demonyo na nakukuha niya sa torture. Magaling lang umarte si Rusco." Iyong dalawa sa tumu-torture rito ay naging bihag na namin. Kasama sa mga umatake sa Isla kung nasaan si Garrie. Hawak na namin sa leeg. Sinabihan naman namin na gawin ang utos ng boss nila para hindi makahalata. Pero huwag 100% na saktan ang lalaki. Iyon naman ang ginagawa nila ngayon. Alam kong kakayanin iyon ng gobernador. Pero siyempre may malaking impact pa rin sa

