Chapter Ninety-seven "Carrie," mahigpit na yakap ko sa kakambal na agad ding yumakap sa akin. Sunod-sunod ang patak ng luha ko, pero siyempre hindi ito nagpakabog. "Garrie, I'm so happy to see you. Bumalik ka na, 'bal. Hindi na ako mag-isa. Sising-sisi ako sa mga nagawa kong pagkakamali in the past. Naging abusado ako. I'm sorry, 'bal." Marahan kong hinagod ang likod nito na para bang nauunawaan ko ang mga sinasabi nito. No. Never kong mauunawaan ang pagiging unfair nito sa akin noon. "Nandito na ako, Carrie. Hindi ka na mag-isa. Patawarin mo rin ako dahil sa mga pagkukulang ko bilang kapatid mo. Nagkulang ako sa pang-unawa... sa mga suffering mo. I'm sorry rin. I'm back... may kakampi ka na ulit." "'Bal, tamang-tama ang pagbabalik mo. May offer sa akin... concert... pwede na ulit

