Chapter Eighty-three part two Carrie Del Pietto "Carrie, tiyakin mo lang na hindi ka mabubuntis. Masyado ka pang maraming projects and contract na naka-line up. Hindi natin kakayanin ang mga damages." Bilin iyon ng aking ina habang nasa dining room kami. "Mommy, of course not. Alam ko ang ginagawa ko. Saka wala pang nangyayari sa amin ni Rusco simula no'ng nagkaayos kami. Busy siya sa capitol and kahit subukan kong mag-initiate ay hindi naman nangyayari dahil ayaw pa niya. He respects me raw. Gagawin daw namin iyon after annulment nila ni Garrie. Nasaan na ba kasi si Garrie, mommy? Isang buwan na simula no'ng umalis siya at hanggang ngayon ay walang balita sa kanya," napaingos pa ako. Ang inaasahan ko kasi'y babalik ito at magmamakaawa sa amin para patuluyin ulit dito. Pero hindi iyon

