Chapter Eighty-three part one "B-untis ako, Sassy," nag-unahan sa pagpatak ang luha ko. Pero biglang umurong iyon nang bumunghalik ng iyak si Sassy na akala mo'y siya ang ama. Tengene telege! "Ma'am, congratulations! Sobrang happy ko sa 'yo, ma'am. Ang galing ninyo ni gov. Anong posisyon iyan, ma'am?" ani nito na niyakap pa ako. "H-indi ko alam. Sa dami ng mga posisyon na ginawa namin ay hindi ko na sure," iyak ko rito. "Sassy, paano ko maipapaalam sa asawa ko na buntis ako? Paano ko ipaaabot sa kanya ang magandang balita na ito?" "Ma'am, sa ngayon ay mas mabuting hindi muna malaman ng gobernador. Kailangan niyang mag-focus sa misyon niya. Baka kung kalahati ng isip niya ay narito ay baka kung mapaano siya roon." Sa wakas ay nakarinig din ako nang maayos na punto kay Sassy. "Tama

