Chapter Eighty-two part two "Ma'am! Ma'am!" kabababa ko lang ng hagdan, pero iyong bunganga agad ni Sassy ang narinig ko. Hindi ko pa man ito nakikita pero iyong boses nito ay tinig ko na. Nang bumungad ito sa pinto ay halata ko agad na may isang umaatikabong tsismis ito na dala. "Sassy?" ani ko na medyo salubong ang kilay. Ang aga-aga pa pero ito siya at mukhang marami nang iuulat sa akin. "Ma'am, may chika ako!" ani nito. Obviously. Hindi naman ito hahangos ng ganito kung wala lang. Iginiya pa niya ako patungo sa couch at saka pinaupo ako roon. "What is it?" "Ma'am, alam ko na kung bakit may emergency kagabi---" "Nangapitbahay ka ba?" takang ani ko. "Ma'am Garrie, halos hindi ako nakatulog kagabi kaiisip kung anong meron. Kaya kanina ay maaga akong lumabas. Alam mo ba, iyong

