Chapter Eighty-two part one "Masama ata iyong ugali no'ng jowa ni Mr. Macbeth, ma'am. Parang hindi kayo magka-level ng ugali," bulong ni Sassy sa akin habang naglalakad kami patungo sa bahay. Nagyaya na ako kay Sassy pagkatapos akong sungitan ng babae. "Hayaan mo na. Baka super love lang niya si Mr. Macbeth kaya gano'n na lang siya ka-territorial." "Naku! Girlfriend pa lang naman siya. Si Miss Carrie nga na girlfriend pa lang ay pinagpalit. Ano bang pagkakaiba nila?" ani nito. Napahinto ako sa paglalakad at tinignan si Sassy. Napasimangot ako. "Ma'am, example lang iyon. Huwag kang ma-offend sa sinabi ko," bawi nito agad. "Ang ibig ko lang namang sabihin... kung loyal ang isang tao ay loyal talaga. Tignan mo si gov... nakipag-break kay Miss Carrie kasi nakahanap ng iba," at parang iyon

