Chapter eighty-one part two "Tao po?" isang pamilyar na tinig ang narinig ko. Narito ako sa sala't nakatunganga. Hindi ko alam kung tama ba iyong hinala ko pero tumakbo pa rin ako para buksan ang pintuan. "S-assy?" gulat na gulat na ani ko. "Sassy, ikaw ba iyan?" "Ma'am Garrie?" tili ng babae. Exaggerated pang binitiwan ang bag saka tumakbo patungo sa akin at mahigpit akong niyakap. "Ma'am, pinalayas ako ni governor tapos na kidnap po ako at isinakay sa helicopter. Tapos--- ha? Bakit ka nandito, ma'am? Hindi ba mafia lord ang nagpadukot sa akin?" takang-taka na ani ni Sassy. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Sassy. Kunin mo ang bag mo at dito tayo sa loob ng bahay mag-usap," binalikan nito ang bag saka dali-daling pumasok. "Anong ginagawa mo rito, ma'am? Bakit nandito ka at si Mis

