5

1535 Words
Chapter Five Gaano ka-sweet ang gobernador sa kasintahan niya? Well, kulang na lang ay langgamin ang mga ito. Pinagmamasdan ko sila mula rito sa porch. Nakapwesto sila sa garden at may isang magandang set-up doon. Ipinasadya pa ng gobernador ang table for 2 na iyon. Candlelight dinner. Pasimpleng kinuhanan ko ng larawan ang dalawa at in-send kay mommy. Tsk. Honestly, ayaw ko naman talagang gawin ito. Ini-invade ko na masyado ang privacy ng dalawa. Moment nila ito, pero ito't alam ng dalawa na narito ako sa patio. Pinanonood sila. Pero umaakto naman ako na hindi sila nakikita. Pero obvious pa ring narito ako para magmasid, 'di ba parang magulo? Mommy: "No alcohol sabihin mo kay Carrie." Damn! Nakasilip pa rin talaga ito nang pupunahin. Nakuhanan sa larawan ang wine na hindi pa naman nabuksan. Me: "Mukhang hindi naman po sila iinom." Mommy: "Don't make me look stupid, Garrie. Ano iyang alak... display?" Nai-imagine ko na ang irap nito sa akin habang tinitipa iyon. Me: "Sorry po." Mommy: "Magbantay kang mabuti." Me: "Opo, mommy." Nang hindi na ito nag-reply ay nagsuot na muna ako ng earphones at nakinig ng music. Hindi na tinignan pa ang dalawa. Hindi ko na rin napansin kung gaano katagal ang mga ito. Naupo na kasi ako sa couch at pumikit habang nakikinig ng music. Nakatulog ako. Naalimpungatan na lang nang pakiramdam ko'y lumulutang na ako. Hirap pang idilat ang mata dahil sa labis na antok. "It's me, matulog ka lang," mahinang ani ng lalaking may buhat sa akin. Kaya naman yumakap pa ako sa leeg nito at ipinagpatuloy ang pagtulog. Naramdaman ko pa ang paglapag nito sa akin sa kama at ang paglagay nito ng kumot. -- 6 am. Ready na akong lumabas. Sinilip ko si Carrie sa kabilang kwarto pero wala siya roon, nang silipin ko sa kwarto ni Governor Rusco ay nakita kong himbing pa si Carrie roon. Hindi ko na dapat pang sinilip, pero iyon kasi ang trabaho ko rito gaya nang utos ng aking ina. Wala naman si Governor Rusco roon kaya bumaba na ako. Inabutan ko ito sa dining room, nagkakape. "Good morning, gov!" bati ko rito. Biglang tumayo ang gobernador, nakadalawang atras agad ako. "Why?" ani nito na napabungisngis dahil huling-huli nito ang naging reaction ko. "Wala lang. Naniniguro lang na hindi mananakawan ng third kiss." "Sorry for that, Garrie. Maupo ka na." Ipinaghila ako nito ng upuan. Naupo naman ako roon. "Manang, coffee for Garrie." Hindi naman nagtagal at dumating ang request nitong kape. "Gov, sino pong makakasama ko sa taniman n'yo? Excited na po ako," saka marahang dinampot ang tasa ng kape at humigop. "Me, Garrie. Mamaya pang 9 am or 10 am ang gising ni Carrie. Kaya naman ako na muna ang sasama sa 'yo." "Ah, oo. Kapag wala talaga siyang pasok ay automatic na ang ganyang gising niya. Bihira lang din kasing makapagpahinga nang mahaba-haba." "She's hardworking person, Garrie." "Yup, that's right!" hindi maipagkakaila iyon. Sa sipag din ng kapatid ko kaya naman nasa tuktok siya nang tagumpay na kinaroroonan niya ngayon. She deserves it. "Ubusin mo na iyang kape mo at nang makapunta na tayo roon." Hindi ko naman naubos, sa sobrang excited pa nga'y kalahi lang ang naging bawas no'n. May mga kasama kaming kasambahay. May bitbit akong basket na ayaw pa nga sana ng gobernador na bitbitin ko. Kaya ko naman iyon kaya hindi ko pinansin ang utos nitong ibigay sa isang kasambahay. Feel na feel ko pa naman ang pagbitbit ng basket. "Señiorita Garrie, may grapes din po rito sa farm. Pwede na iyong anihin. Gusto n'yo po bang unahin iyon?" "Really? Sure! Gusto kong i-try iyan. Saan ba at nang napuntahan na?" "Doon po." Itinuro nito ang norteng parte ng taniman. Malayo-layo pero walang reklamo na nilakad ko iyon. Habang naglalakad ay nagkwekwentuhan pa kami, napag-alaman kong Sassy ang pangalan nito at matagal na itong nagsisilbi kay Governor Rusco. Minor pa lang ay nasa poder na siya ng mga Claverra at pinapaaral, nagtrabaho na rin ito roon para may extra itong pera habang nag-aaral. "Ang saya sigurong tumira sa ganitong lugar, 'no?" "Ay! Hindi ka city girl, ma'am?" tanong ni Sassy. "Laking city ako pero mas prefer ko iyong ganito... siguro kapag makaipon ako bibili ako ng lupa, hindi man ganito kalaki pero sakto lang para makapagtanin-tanim," masayang sagot ko rito. Bigla tuloy akong nakapag-imagine ng buhay na feeling haciendera. Kaso hindi ko kaya ang gano'n level ng buhay, bibigyan nga lang ako ng kakambal ko ng pera. "Pero sa totoo nga lang, señiorita, ay masarap talaga ang buhay rito. Kung masipag kang magtanim ay talagang mabubuhay ka. Saka may gwapong gobernador ang San Carlos, hindi pinababayaan ang mga mamamayan niya," kinikilig pa itong sumulyap kay governor. "Dahil kay Governor Rusco ay pati mga magsasaka ay gumaan ang buhay. Alam kasi ni governor ang hirap ng mga kalagayan nila, dahil kita mo naman. Magsasaka rin siya." Sa part na iyon... naranasan ba nitong magtanim? Feeling ko'y mga tauhan n'ya lang ang gumawa ng lahat ng ito, tapos pera ang ambag niya. "Kita mo iyong makapal na mga punong iyon, ma'am?" itinuro nito ang mga puno ng mangga. "Si Governor Rusco ang nagtanim lahat n'yan. Kasama iyong kaibigan niyang gobernador din, si Governor Nicholai Rosales." Wow! Nakakagulat. Sinulyapan ko si Governor Rusco Claverra. Ngumiti ito sa akin. Inirapan ko nga lang at parang nagulat ito sa pang-iirap ko. Tsk. Ayaw ko talaga sa mga lalaking walang ingat. Ipapahamak pa ako sa kakambal ko, eh. Pagdating namin sa taniman ng grapes ay hindi ko naiwasang mapahanga. Namimilog ang matang iginagala sa malawak na taniman ang mga tingin. "Wow! Ang astig dito, Sassy!" ani ko na niyugyog pa ito sa galak. "Señiorita, baka mahulog ang tapal sa dede ko. Grabe kang mang-alog!" ani nito kaya tumatawang binitiwan ko ito. "Teach me how---" "Here," ani ni Governor Rusco na nag-abot sa akin ng pang-cut. Tinanggap ko iyon saka ko ipinasa rito ang basket. Nang lumakad ako para magtingin-tingin ng pwede ng kunin. Nakabuntot lang ang lalaki na hawak ang basket na ibinigay ko rito. "That one," turo ni Governor Rusco sa natapatan ko. Tumingala ako. Malawak na napangiti. Saka ko inabot iyon, kumuha ng isa. Ipinunas ko lang sa damit ko bago ko kinain. "Yum!" ani ko. Nag-thumbs up pa kay governor. Pagkatapos ay sinubukan ko na iyong i-cut. "Dito lang sa part na ito, Garrie," itinuro nito kung saan ko puputulin kaya ginawa ko naman agad. "Love it!" excited na ani ko saka inilagay ko iyon sa basket. "Kumuha ka hanggat gusto mo---" "Wrong, Governor Rusco! Kunin lang ang kailangan ko. Aanhin ko naman ang isang basket na grapes, right?" medyo sarcastic pa na pagkakasagot ko rito. "Right!" napasipol pa ito. Kaya dalawang beses lang akong gumupit, saka kinuha ang basket kay governor at naghanap ng pwedeng pwestuhan. Nagsimulang kumain ng grapes na akala mo'y mag-isa ko lang at walang nakamasid sa akin. Pinupunas ko lang talaga sa damit ko iyon sabay kain. I don't know if it's safe. Basta kakain na ako. Gumaya na rin ang ibang kasambahay katulad sa ginagawa ko. Si Governor Rusco naman ay pagsimulang suriin ang mga bunga ng graves niya. "Mahilig talaga iyan si gov na magtanim, same na same talaga sila ni Governor Rosales. Gwapo rin iyon, señiorita. Kaso may asawa na iyon, si Ma'am Gemma," hindi ko naman kilala iyong tinutukoy ni Sassy. Kaya patango-tango lang ako habang kumakain. "Iyong magkakaibigan na governor, magaganda ang asawa at girlfriend. Parang kay Governor Rusco, ang ganda ni Señiorita Carrie. Bagay sila, dahil magkamukha kayo ni Ma'am Carrie ay bagay rin kayo ni gov---" "Sassy!" saway ko rito. "Ay, sorry! Nagjo-joke lang ako, señiorita. Single ka po ba?" "Yup!" tugon ko rito. "Wala kang balak mag-jowa?" "Wala," tiyak hindi rin ako papayagan ng mommy ko. Saka wala pa ring nakapukaw ng puso ko. Kung meron, good! Kung wala, it's fine. "Ay! Bakit wala, Señiorita? Sa ganda mong iyan?" "Not interested." Nagpatuloy kami sa pagkain ng may naisipan akong itanong dito. "Sassy, look at me nga." Tumingin ang babae na may kagat-kagat pang grapes. "Titigan mo akong mabuti... hanapin mo nga iyong difference namin ni Carrie," tinitigan ako nito. Seryoso pa ang expression. "Señiorita, para po kayong copy paste ni Señiorita Carrie. Wala po akong makitang difference sa mukha... pero sa ugali po siguro may masasabi ako... approachable ka po. Medyo hindi si Señiorita Carrie. Base po iyon sa observation ko. Pero idol ko pa rin ang kakambal mo po. Sobrang galing po niyang kumanta. Alam mo po ba Ma'am, favorite ni Governor Rusco iyong mga kanta ng girlfriend niya." "Nice naman," komento ko. Pero hindi ako komportable na pag-usapan iyon. Kaya agad kong ibinalik sa unang topic. "Pero titigan mo ulit ako, Sassy. Titigang mabuti at baka may makita kang pagkakaiba. Mas malaki yata ang eyes ko... mas matangos ang nose ni Carrie---" "Señiorita, wala nga po. Kahit buhok ninyo ay parehong-pareho po," napabuntonghininga ako. Dahil may pagkakataon isinasalang ako sa trabaho ni Carrie, kaya park buhok ko'y katulad ng kapatid ko. Alam ko rin naman talaga ang sagot sa tanong ko. Kung sa mukha... wala talaga kaming pagkakaiba. Kaya iyong excuse ni Governor Rusco Claverra sa dalawang beses na nagkamali siya... katanggap-tanggap iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD