Chapter Four
Helicopter ang sinakyan namin. Sa isang pribadong gusali kami nagtungo dahil doon daw naghihintay ang sasakyan namin. Medyo naloka pa ako no'ng nalamang pag-aari iyon ni Governor Rusco Claverra. May pera ang lalaki, obviously!
Lumapag ang helicopter sa isang private helipad. Again, according kay Carrie ay pag-aari raw ni Governor Claverra iyon.
"Curious lang, legit ba ang pera ni gov o katulad siya ng ibang politiko na kumukubra sa kaban ng bayan?" bulong ko kay Carrie habang naglalakad kami, nakasunod kami sa mga tauhan ni Governor Rusco na sumunod sa amin.
"Heay! Matinong politiko ang boyfriend ko, Garrie. Businessman siya bago naging governor. May mga company siya at mayaman talaga ang mga Claverra," medyo defensive pa ito.
"K," ani ko as if hindi interested. Parang mas interested pa akong makinig kung ang sagot nito ay 'oo, at malakas ang kubrahan sa opisina niya'.
Sinundo kami ng isang van. Dederetso raw iyon sa mansion ng gobernador, doon daw ay safe sila sa mata ng publiko.
"Garrie, ready na ang mga movie na pwede mong panoorin. Nagsabi na rin ako na mag-ready sila ng books para hindi ka ma-bored."
"That's good! Sana'y ready rin ang condom ni gov. Bawal kang mabuntis, Carrie. Ikaw Ang bumukaka, pero ako ang malalagot kay mommy," napabungisngis ito.
"Oo naman, Garrie! Safe s*x lagi ang pina-practice namin ni Rusco. Kaya hindi ka pa magiging Tita," inirapan ko lang ito at ibinato ang tingin sa bintana.
Mahabang palayan ang dinaanan namin. Bago nakakita ng mga kabahayan.
Mahigit isang oras pa na biyahe ay nakarating kami sa lupain ng gobernador.
Dumeretso nang pasok ang van na kinalululanan namin, huminto sa isang spanish-style mansion. Nag-iisang mansion sa napakalawak na lupain.
Nang bumukas ang pinto ay excited na bumaba si Carrie, sumunod lang ako.
"Kami na po ang bahala sa mga gamit ninyo, señiorita," ani ng isang kasambahay sa akin. Kung ako kasi'y inaalala ko ang mga gamit, si Carrie naman ay nakalimutan na yatang kasama niya ako.
Dere-deretso na itong pumasok na akala mo'y pag-aari niya ang mansion.
"Señiorita, pwede po bang magpa-picture later? Sobrang ganda n'yo po kasi... gustong-gusto ko po iyong picture ninyo no'ng nakasuot kayo ng kulay pulang gown."
"Ah, hindi po ako si Carrie. Ako po si Garrie. Kakambal lang po ako," nahihiyang ani ko sa babae. Pero sa totoo lang ay ako talaga iyong babaeng tinutukoy nito na nakasuot ng pulang gown. Nagka-allergy si Carrie no'ng time na iyon. Grabeng pakiusap pa ang pinagdaanan nito para lang pumayag ako.
"Hala! Sorry po, Señiorita. Magkasing ganda po kayo ni Señiorita Carrie. Pwede pong sa inyo na lang po? Para po kasing masungit si Señiorita Carrie."
"Hindi iyon masungit. Mabait din iyon. Saka mas mabuting sa kanya ka magpa-picture. At least legit ang kasama mo sa picture, 'di ba?"
"Sabagay po... try ko po mamaya."
Nauna nang naipasok ang maleta, sakto namang nag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot iyon dahil si mommy ang tumatawag.
"Mommy, nandito na po kami sa San Carlos," agad kong pagbabalita rito.
"How's Carrie? Nahilo ba siya? Nainip ba sa biyahe?"
"Hindi naman po. Nasa loob na po siya ng mansion," I'm waiting na kumustahin din ako nito. Pero wala naman.
"Garrie, ikaw na ang bahala sa kakambal mo. Bantayan mong mabuti iyan."
"Opo, ako na pong bahala kay Carrie."
Ako ang mas bata kay Carrie, pero mas kailangan ko talagang mag-adjust dito.
Nang patayin ni mommy ang tawag ay hindi man lang nag-bye man lang. Pero okay na lang din, sanay naman na ako.
"Love!" biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko. Kinabig ako, at bago pa nakasagot ay nakalapat na ang labi nito sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. Shocked. Lalo't hindi lang labi nito ang naramdaman ko, pati na dila nito.
Sa sobrang shocked ko'y hindi agad nakapag-react ang katawan ko. Mas nauna pang nakapag-react ang p********e ko, bago pa naitulak ang lalaki.
"Gov!" ani ko. Pinanlakihan pa ito ng mata. "Are you crazy?" asik ko sa lalaki.
"Ha?" ani ng gobernador na mukhang hindi pa rin na realize na hindi ako ang kasintahan niya. "Oh s**t! Garrie?" ani nito. Tumango naman ako.
"Yes, it's me! Diyos ko ka, Governor Rusco! Bakit mo ako hinalikan?" ani ko rito na napapadyak pa dahil sa labis na inis dito.
"s**t! I'm so sorry, Garrie. Akala ko kasi'y si Carrie. Oh, s**t! I'm sorry, Garrie," ang mukha nito'y pulang-pula na para bang hiyang-hiya ito.
"Pwede mag-ingat ka? Masyadong maayos ang relationship namin ng kakambal ko para masira lang dahil sa pagiging reckless mo," masungit na ani ko rito. Ayaw ipahalata na naapektuhan ako sa nagawa nito. Tinalikuran ko rin ito. Pero nagsalita ito.
"Garrie, it's a honest mistake. Akala ko talaga'y ikaw si Carrie. Sobrang sorry talaga," tuluyan na akong lumakad papasok ng mansion nito. Sumunod naman ang lalaki.
"Love!" ani ni Carrie na nakaupo sa couch nang nakita nito si Governor Rusco na nasa likuran ko at papasok na rin.
"Hi, love!" ani ni Governor Rusco na nilagpasan na ako at lumapit kay Carrie. Si Carrie ang nag-initiate nang halik. Kaya nag-iwas ako ng tingin. Damn! Awkward.
"I'm glad na pinayagan ako kahit 2 days lang na rest day with you. Hays! How I wish na hindi lang 2 days... pwede bang 1 month?" ani ni Carrie pagkatapos nilang naghalikan.
Nag-vibrate ang phone ko.
"Guys, ayos kayo ng upo. Picture-an ko kayo. Need ni mommy ng update... alam n'yo na."
Umayos naman ng upo ang dalawa. Sa single couch si governor, habang sa mahabang couch si Carrie.
"Maghawak na lang kayo ng kamay at tingin sa isa't isa. Kunwari'y walang kamera," at ginawa naman nila. Pagkatapos kong nakuhanan ng larawan ang dalawa ay nagtabi na sila. In-send ko naman iyon kay mommy.
Mukhang satisfied naman ito sa larawang ipinadala ko.
May nag-serve ng merienda sa amin.
Tahimik akong kumain habang busy ang dalawa sa pag-uusap. Iyon lang naman ang pwede kong gawin para hindi rin maabala ang mga ito.
"Garrie, favorite mo ba iyan?" ani ni Governor Rusco sa akin. Natigilan ako sa akmang pagsubo ng pakwang nakatusok sa tinidor.
"Love, favorite ni Garrie ang mga fresh fruits. Pakwan, pineapple, apple... basta fruit," tumango-tango naman ni Governor Rusco.
"If you want to experience na mag-harvest ng mga ganyan ay pwede. Sa likod ang taniman namin ng mga ganyan. Love, gusto mo bang i-try?"
"Oh, no! Alam mo namang sensitive ang skin ko love. Pwedeng si Garrie na lang."
"Okay," tumingin ito sa akin. "Wanna try?"
"Yes, gov! Pwede?"
"Pwedeng-pwede, Garrie. Magandang mag-harvest ng umaga. Bukas mga 6 am?"
"Omg! Too early rin iyan, kaya si Garrie na lang talaga."
"Sige, 6 am. Mag-a-alarm pa ako," naisantabi iyong awkwardness dahil sa nangyari kanina.
Naubos ko ang isang mangkok na pakwan, balak pa sanang magpakuha ni Governor Rusco pero tumanggi ako.
"Huwag na! Ubusin ko pa ito," sabay dampot naman sa platito na may pinya. Daig ko pa ang may sariling mundo habang kumakain ako.
Bahala silang maglampungan, basta may pagkain ako.
Nang natapos ako roon ay nag-cellphone naman ako. Medyo antok na rin ako.
"Garrie, naipakita na ba sa 'yo ang room mo?" baling ni Governor Rusco sa akin.
"Hindi pa, gov. Pwede bang puntahan na?"
"Carrie, ihatid muna natin si Garrie?"
"Tara," ani naman ng kapatid ko. Lingkis na lingkis ito sa gobernador. Kung hindi ko lang ito kakambal ay baka na bash ko na ito. Tatayo na lang kasi ay nakapulupot pa rin sa bewang ng kanyang kasintahan. Buti na lang kakambal ko, eh.
Pumanhik kami sa second floor kung saan magkatabing silid lang naman ang uukupahin naming magkambal. Tapos sa tabing silid ni Carrie ay silid naman ni Governor Rusco.
Pakunwari pa iyong inihandang silid para kay Carrie. For sure naman ay isang silid lang ang gagamitin ng dalawa.
Magkarugtong ang balcony ng kwartong uukupahin naming ni Carrie. Magandang tumambay dahil tanaw roon ang malawak na taniman na sinasabi ni governor.
Parang gusto ko na tuloy tunguhin. Pero nagpigil ako.
"Okay ka na rito, Garrie?"
"Yes, Gov! Salamat." Iginala ko ang tingin sa paligid. Okay na okay ang kwarto. Malawak at mukhang gaganahan akong mag-movie marathon at magbasa sa kwartong ito sa loob ng dalawang araw.
Iniwan din naman nila ako. Pagpasok sa silid ay agad kong binuksan ang maleta ko. Kumuha ako roon ng komportableng damit dahil balak ko nang simulan ang panonood.
Mabilis lang akong nag-shower. Kalalabas ko pa lang ng banyo ay nagri-ring na ang phone ko.
"Si Carrie? May tinatanong kasi ang manager niya sa kanya," for sure excuse lang iyon ng aking ina. "Parang wala d'yan, Garrie."
"Nasa labas po. Nag-shower lang ako, mommy. Puntahan ko po---"
"Bakit iniiwan mo? Sinabi kong bantayan mo, 'di ba?" asik nito sa akin.
"Mommy, nag-shower lang po ako."
"Tsk. Bilisan mo, Garrie."
"Magsuklay lang po ako. Tawagan po kita after 2 minutes---" in-end call na nito. Nagmadali naman ako sa pagsuklay.
Saka dali-daling kumatok sa kabilang pinto. Pero ang pinto ng kwarto ni Governor Rusco bumukas.
"I'm here, Garrie!" ani ng kapatid ko na nakatapis lang ng tuwalya.
"Hinahanap ka ni mommy," pagkarinig niya no'n ay agad lumapit. Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya saka nagtungo sa banyo. Sumunod naman ako rito. Binuksan agad nito ang shower, nag-shampoo pa. Saka ko tinawagan si mommy. "Mommy, naliligo po," balita ko agad dito.
"Saan?" ani ni mommy kaya ipinakita ko si Carrie rito.
"Guys, stop! Naliligo ako," inis na ani ni Carrie. "Bigyan n'yo naman ako ng privacy."
Hindi man lang nagsalita si mommy. In-end call na nito iyon. Tinignan ko ang kapatid ko na naka-peace sign sa akin. "I'm sorry, Garrie. Hindi ako galit, kunwari lang iyon," humagikhik pa ito pero hinila ko pasara ang pinto.
Lumakad ako patungo sa kama, for sure dahil nasimulan na ni Carrie ang pagligo ay matagal na naman iyon na matatapos.
Kaya humiga ako at pumikit na muna.
Ilang minuto ang lumipas... hinihila na ako ng antok. Narinig ko pa namang bumukas at sara ang pinto pero hindi ako nagmulat ng mata. Akala ko kasi'y sa banyo iyon. Pero ng may pumatong sa akin, deretso ang pagsalat sa dibdib ko ay agad akong nagmulat ng mata. Nilalantakan na ang labi ko bago pa ako tuluyang naliwanagan sa nangyayari.
Agad ko itong itinulak. Pero busy ang lalaki sa labi ko. Hindi ako nakapagsalita dahil baka magtaka si Carrie na nasa banyo.
"G-ov, si Garrie ito," mahinang ani ko. Saktong dumapo sa p********e ko ang palad nito. Nahinto ito sa ginagawa niya.
"What the f**k?" mahinang ani ni Governor Rusco. Agad umalis sa ibabaw ko. Inayos ko naman agad ang sarili ko. Masama kong tinitigan ang lalaki.
"Tangina mo, Gov!" pikong ani ko. "Wala ka bang mata? Hindi mo ba makita ang difference namin ng kapatid ko?" mahinang ani ko rito.
"I'm sorry. Obvious naman sigurong hindi ang sagot ko sa tanong mo." Matalim kong tinitigan ang lalaki. "Magkamukhang-magkamukha kayo, Garrie."
Mahina lang din ang tinig ni Governor Rusco Claverra na hindi makatingin sa akin.
"Tsk. Ang reckless mo talaga. Ipapahamak mo pa ako sa kapatid ko. Magnanakaw pa ng first and second kiss. Nakakainis!" tumayo pa ako para lang magpapadyak at mailabas talaga ang inis. Kasi biglang napabungisngis ang lalaki sa inakto ko.