Chapter Three
"Carrie, alam mo naman ang problema ng kakambal mo sa crowd bakit ipinilit mo pang siya ang lumabas sa fans?" dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Nanlalambot ang pakiramdam ko. Narito na ako sa aking silid, ang tinig na naririnig ko ay sa aking ina na nakita kong kaharap si Carrie na yukong-yuko rito.
"Mommy, kanina mo pa ako sinesermunan. Pwede po bang enough na? Hindi ko naman po gusto ang nangyari kay Garrie... she's awake na po," nakalabing ani nito at sabay pa sila ni mommy na lumapit sa akin.
"How are you, Garrie?" ngayon ko na lang ulit nakita ang concern ni mommy sa akin. She's worried?
"'Bal, are you okay?" ani naman ni Carrie, dahil ayaw kong maging pabigat, at bigyan nang alalahanin ang mga ito ay tumango ako.
"I'm o-kay now."
"See, mommy! Garrie, kanina pa ako sinesermunan ni mommy dahil sa nangyari sa 'yo. I think deserve ko ng apology, girls."
"Tsk. Magpahinga ka na, Carrie. Ako na ang bahala rito sa kakambal mo," taboy ni mommy kay Carrie.
"No. I'm not going to leave. Mag-sorry kayo."
"Sorry, Carrie."
Ako na ang nagsabi ng sorry rito dahil kilala ko ang kakambal ko. Hindi talaga ito aalis kapag hindi nito narinig ang nais nitong marinig.
"Mommy?" ani ni Carrie sa aming ina.
"I'm sorry. Now leave."
Nakausli pa ang labi na umalis si Carrie. Pagkasara ng pinto ay pinalo ni mommy ang braso ko. Gulat na napatitig ako rito.
"M-ommy?" takang-taka dahil bigla na lang nitong ginawa iyon.
"Hindi ka nag-iisip, Carrie. Paano kung sa mismong crowd ka nawalan ng malay? Naisip mo ba na pwedeng magkaroon ng speculations ang mga tao... baka may sakit si Carrie... baka buntis---"
"Mommy, pinilit lang po ako ni Carrie na pumalit sa pwesto niya kanina. Alam n'yo pong ayaw ko sa crowd. Hindi ko po gusto na mapalibutan ng mga tao pero hindi naman po pumayag si Carrie sa pagtanggi ko. Kahit po umayaw ako ay pinilit pa rin po niya at ng team na ako ang iharap sa fans."
"Ngayon nanisi ka pa sa kapabayaan mo, Garrie. Mag-isip ka naman. Ang magandang career ng kapatid mo ang dahilan kung bakit masagana ang buhay natin. Siya ang dahilan kung bakit hindi na tayo gutom at kinikilala na tayo ng angkan natin. Kapag nasira ang pangalan niya ay tiyak sa putikan na naman tayo babagsak. Simple lang ang hiling ko sa 'yo... pangalagaan mo ang pangalan ng kapatid mo dahil dala-dala mo rin ang mukha niya. Kapag nagkamali ka, damay siya, damay tayong lahat."
Naiiyak ako. Hindi ko deserve ang sermon nito pero tumango pa rin ako mag-sorry rito.
"Sorry, mommy. Hindi na po mauulit iyon," yukong-yuko na ani ko.
"Dapat lang! Kasi kung maulit pa... wala kang magagawa kung ipabago ko iyang mukha mo," saka ito galit na nag-walkout. Napatulala ako. Hindi makapaniwala sa narinig.
"W-hat?" ani ko kahit wala nang sasagot sa 'What' ko.
Marahang katok ang nagpabalik ng tingin ko sa pinto. Bumalik si Carrie. Mukhang sumalisi lang. Dala nito ang unan nito. Pumasok siya at maingat na isinara ang pinto.
"I'm sorry, 'Bal," this time ay apologetic na ito. Sumampa ito sa kama, inayos ang unan niya, saka tumabi sa akin.
"Bakit nandito ka?"
"Dito ko gustong matulog sa tabi mo," inalalayan niya ako sa paghiga. Nang pareho na kaming nakahiga ay yumakap ito sa akin. Ganito si Carrie kapag kaming dalawa lang. Parang ibang tao, parang mas malayang mag-express. "Sorry sa nangyari, Garrie. Sobrang sising-sisi ako sa nangyari kanina."
"Hayaan mo na. Nangyari na ang nangyari."
"Sa totoo lang ay pagod na pagod talaga ako kanina sa photoshoot. Mabuti na lang at kasama kita kanina. Sobrang hectic ng schedule. Nakikiusap na nga ako na kahit bigyan man lang ako nang pahinga pero approved na raw ni mommy iyong schedule ko. Hindi pwedeng ma-delay ang mga naka-schedule ng trabaho."
"Pero nagsabi ka na ba na after ng lahat ng schedule mo ay bigyan ka ng rest day? Deserve mo naman iyon."
"Oo raw. Bibigyan daw nila ako. Pero bago dumating iyon ay baka maibigay ko na kay Lord ang sarili ko sa sobrang pagod," pareho pa kaming napabuntonghininga. Pati pagkamot sa mga noo ay nagsabay pa.
Nauwi tuloy sa bungisngisan pero ako rin ang agad na sumenyas na manahimik ito. Baka balikan kami ng ina at masermunan pa kaming pareho.
"Gusto ko nang magbakasyon at puntahan si Rusco," dinig kong ani nito.
"Miss mo na si gov?"
"Yes. Miss na miss ko na. Hays. Ang layo-layo naman kasi niya."
"Busy rin iyon. Unawain mo na lang."
"Of course, hindi naman magiging issue sa relationship namin ang distansya. Mahal na mahal ko siya, Garrie. Iyon nga lang hindi ko pa maipagsigawan sa buong mundo dahil sa career na mayroon kaming dalawa. It's weird naman kasi na habang nakikipag-love team ako sa iba ay may Governor Rusco Claverra pala sa buhay ko. Hindi kikiligin ang mga tao sa love team kung gano'n."
Hindi ako nagkumento. Tahimik lang akong nakikinig habang nagsasalita ito. "Garrie, may ikwekwento pa ako sa 'yo. Pero sa 'yo ko lang sasabihin dahil kakambal kita. Ikaw ang living diary ko. Alam mo naman iyan, right?"
"Yes, anong kwento mo?"
"Hindi na ako virgin, 'bal." Napatitig ako rito.
"Si Governor Claverra ba?" curious na tanong ko rito.
"Actually, no! Hindi si Rusco ang nakauna sa akin. Someone from the showbiz. Isa sa naging ka-love team ko. Si Daniel Swarven. Iyong nakasama ko sa isang movie."
"Yes, I know him. Naging kayo ba?"
"Hindi."
"Carrie!"
"Sshh! Secret lang iyon. Nagdala kasi ako sa movie... sa mga scene. Alam mo bang sa tent sa set namin ginawa iyon?" napahagikhik pa ito. "Ang laki ng d**k niya, Garrie."
"Carrie Del Pietto!" ani ko na tigagal at hindi makapaniwala rito.
"What? Past is past, kwenekwento ko lang naman sa 'yo."
"Ilang taon na iyong show na iyon---"
"Yes, tapos iyong sumunod na nakapareha ko sa sunod na movie ko... naka-do ko rin."
Parang mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa narinig.
"Lahat ba ng mga naging partner mo ay naka-s*x mo, Carrie?" nalolokang tanong ko rito.
"Right," agad akong napatakip sa tenga ko. Hindi makapaniwala sa naririnig ko.
"Are you for real?"
"Yes, Garrie. Pero s*x lang iyon, ha! Ngayong boyfriend ko na si Rusco ay nag-stop na akong makipag-do sa mga nagiging kapareha ko sa shows. Si Rusco na lang... he's so good in bed, Garrie."
"Come on, Carrie. That's enough! Huwag mo nang sabihin pa iyan sa akin."
"Why not, 'bal? Ayaw kong magsekreto sa 'yo. Lahat ng tungkol sa akin ay gusto kong alam mo. Saka baka dumating ang time na magpanggap ka ulit na ako tapos makasalubong mo ang isa sa kanila... at least may idea ka," parang gusto kong mangurot ng singit dahil sa reason nito. "Pero promise, 'bal, loyal ako kay Rusco. Ngayon lang ako na in love sa isang lalaki. Sobrang perfect niya, 'bal," kinikilig na ani nito. "Kahit hindi ako virgin... tanggap din niya ako. Tapos... every s*x ay mind-blowing."
Agad kong tinakpan ang bibig ng kakambal ko dahil mukhang idedetalye pa nito ang lahat. Nasa mood din talaga itong mangulit, pero sa totoo lang mas madalas na mood nito ay magmaldita sa lahat. Inuunawa lang namin dahil alam naming pagod na rin ito katratrabaho.
"Stop it, Carrie. It's private. Keep it to yourself," dagdag ko pang saway rito.
"I can't do that... you're my living diary. Gusto kong marinig mo ang mga---"
"Stop. Don't you dare!"
"Sa study room... he finger f****d me."
Tinalikuran ko na ito at nagtakip ng tenga. Ayaw kong marinig pa iyon. Malakas ang naging pagtawa nito. She's teasing me. I know it.
"Nagbibiro lang ako, 'bal. Tinutukso lang kita," akmang haharap na ako rito pero muli itong nagsalita. "Pero totoong nangyari iyon."
Damn! I know! I know! Hindi naman ako tulog no'n. "'Bal, nakausap ko si mommy. If gusto ko raw talagang palaging makita si Rusco ay kailangan kasama ka pa rin. Alam mo na... bantay. Garrie, su-success lang ang relationship na ito kung pareho kaming mag-effort na mabigyan ng time ang isa't isa. Hectic ang schedule ko, gano'n din siya. Kaya pwede bang kapag lalabas kami... sama ka? Alam mo namang hindi papayag si mommy na kami lang. Kailangan kasama ka rin."
Sa totoo lang pagdating sa relationship ni Carrie ay medyo mahigpit ang nanay namin. Ingat na ingat kasi ito sa career ng kapatid ko. Takot ito na masira iyon dahil lang sa lalaki, o kaya mabuntis si Carrie.
"Gagawin n'yo pa akong watcher," himutok ko.
"Don't worry next time tahimik lang kami."
"Carrieee!"
"Rest na, 'bal," ito naman ngayon ang tumalikod sa akin. Napairap na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko. Parang sumakit ang batok ko sa kalokohan nito.
--
Kinabukasan ay nagising ako na wala na sa tabi ko si Carrie. For sure nakaalis na ito dahil sa trabaho. Agad akong nag-shower at naghanda sa pagbaba.
Mga kasambahay na lang ang kasama ko rito sa bahay. Wala na iyong ilang relatives na nag-stay, wala rin ang parents, pati na si Carrie.
Kaya naman nagpasya akong mag-movie marathon na lang muna.
Wala akong trabaho, hindi ako pinayagan ng parents ko na ituloy ang paghahanap ng trabaho dahil kung palagi raw ako sa labas ay magiging common na lang sa tao na makita ang mukha ni Carrie.
Baka mawala raw ang excitement ng mga tao kahit pa hindi naman ako ang sikat.
Hindi ko gets ang nanay ko roon pero dahil nakiusap din si Carrie ay pumayag na lang ako. Galing din sa kanila ang perang pumapasok sa account ko kaya mas lalong wala akong choice kung 'di sundin sila. Isa sa movie ni Carrie ang pinanood ko. Habang nagpapalipas ng oras ay panaka-nakang tinitignan ko ang phone ko dahil baka may mga messages doon.
Patapos na ang movie no'ng nakatanggap ako ng text mula kay Carrie.
Carrie Del Pietto: "Guess what..."
Garrie Del Pietto: "What?"
Carrie Del Pietto: Cancelled iyong event bukas at sa sunod na araw. May 2 days ang free, at mamaya ay bibiyahe tayo papunta sa boyfriend ko.
Garrie Del Pietto: "Tayo?"
Damay ako?
Carrie Del Pietto: "Yes, pumayag si mommy pero kasama ka raw. Payag ka naman, right?"
Carrie Del Pietto: "Matutuloy lang itong 2-day trip na ito kung papayag ka. Maawa ka sa akin, 'bal."
Napabuntonghininga ako na nag-thumbs up na lang.
Carrie Del Pietto: "Thank you, 'bal! I love you. You're the best talaga."
Napabuntonghininga ako saka inilapag ang cellphone ko. Nag-usap lang kami sa chat pero parang na drain na naman ang energy ko. Hays! Kung hindi ko lang mahal ang kapatid ko malabo talagang pumayag ako.
Ilang saglit pa'y may pumasok ng kasambahay.
"Ma'am Garrie, ihanda ko raw po ang babaunin ninyong damit."
"Go, Manang," walang lakas na tugon ko. Hinayaan ko na lang ang matanda. Naghintay na lang ako na sabihin nitong ready na iyon at maghanda na ako.
"Ipasusundo ka raw ni Ma'am Carrie, ma'am. Mag-ayos ka na po."
"Nandyan na ba sina mommy?"
"Pauwi pa lang po."
"Salamat, Manang," paglalabas ng matanda ay pinatay ko na ang TV saka pumasok sa banyo para mag-shower.
Hindi pa man tapos sa pagligo ay kumakatok na si mommy sa pinto ng banyo, kararating nila pero ako agad ang unang tinungo nito.
Paglabas ko'y seryosong mukha nito ang tumambad sa akin.
"Mommy?" ani ko rito.
"Bantayan mong mabuti ang kakambal mo, Garrie. Gustong-gusto ko si Governor Rusco Claverra pero hindi pa pwedeng mabuntis ang kapatid mo. Bantayan mo silang mabuti dahil kapag nagkamali ang dalawang iyon... ikaw ang malalagot sa akin," banta nito. Kahit hindi ako ang makagawa nang kasalanan, kasalanan ko pa rin.