Chapter Eighty-seven part two Buhay pa ako. No'ng unti-unti na akong nawawalan ng malay ay akala ko'y iyon na ang huling oras na buhay ako. But no... buhay pa ako. Buhay at hindi sarili ang naiisip. Si Garrie... si Garrie ang nasa utak ko. Sana'y okay siya at ang dinadala niya. Sana'y wala munang magsabi sa kanya nang sinapit ko. Gusto ko pang makita ang ngiti ng asawa ko. Gusto ko pang makasama siya at ang magiging anak namin. Gusto ko... iyon ang isinisigaw ng puso ko. Pero makakaalis pa ba ako rito o rito na magtatapos ang buhay ko? Naiisip ko pa lang ang magiging reaction ni Garrie kung mangyari iyon ay hindi ko na agad kinakaya. Pagod na pagod ang katawan ko. Hinang-hina. Bagsak na ang upuan kung saan ako nakatali. Pero kahit nakahiga na ay hindi ko maikilos ang katawan ko. "B-

