Chapter Eighty-eight Kinalbo nila ako. Pagkatapos ay dinala sa isang malaking drum at pinagtulungang inilagay roon. Ulo lang ang nakalutang. May yelo pa iyon kaya sobrang tindi ng lamig. "Hirap na hirap ka na ba, hijo?" tanong ng demonyo na nakamaskara pa rin. "T-ama na," hinang-hina na ani ko. Mas lalong inartehan ang tinig, baka sakaling ma-satisfy ito sa paghihirap ko. "Hindi mo na ba kaya?" "T-ama na!" ani ko na hirap pang imulat ang mata, bukod kasi sa pagod ay malakas din ang sipang natamo ko kaya maga ang mata ko. "Hindi pa enough, hijo. Pakiramdam ko nga'y mabilis ka lang na makaka-recover. Hindi pa ako tapos sa 'yo. Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita papatayin. Soon ay masa-satisfy rin ako. Pakakawalan din kita. Iahon ito. Bigyan ng isang daang latigo." Narinig ko pa lan

