Chapter Seventy-nine PUERTO AZURIA Isang Isla sa parte ng Luzon. Heavily guarded ang Isla. May isang maliit na community rito pero mga tauhan din naman iyon ng mga Macbeth. Iyong mga tauhan kasi ay bibigyan nang pagkakataon na maidala at makasama ang pamilya nila rito sa Puerto Azuria. May eskwelahan at clinic din dito. Hindi basta pwedeng pumasok ang mga dayo ng hindi dumaraang sa screening. Mula sa airport kanina ay pasimpleng inialis ako ng mga bantay ko at dinala sa isang private helipad hindi kalayuan sa airport. Ang airplane na sasakyan ko dapat ay patungo ng Singapore. Sina Keia Zimmer na raw ang bahala kung paano palalabasin na kasama ako sa plane na aalis. "Ma'am?" tawag ni Lay sa akin. Yes, naunang nagtungo si Lay at May rito. Titiyakin lang nilang okay na ako rito bago sila

