Chapter 60

1822 Words

PAGKATAPOS ng tanghalian ay lumipat na sila Maya sa malaking kubo sa gitna ng palayan. Hinakot na nila roon ang ibang gamit. Pinaayos naman niya kay Boyet ang bubong ng banyo, pinalitan nila ng bago. Sementado naman ito sa loob, kaso sa poso lang kinukuha ng tubig at iigibin doon lang din sa harap ng banyo. Gawa sa dahon ng nipa ang bubong ng kubo at bagong gawa lang. Pinagtagpi namang kawayan ang dingding, at gawa rin sa kawayan ang sahig na pinagdikit-dikit. Dalawa ang kuwarto ng kubo pero pang-isang tao lang. Nagpalagay na siya ng foam doon. At dahil malamok doon, kailangan nila ng kulambo. Kahit may electric fan ay hindi kakayaning tangayin lahat ng lamok. “Dito ba kayo magluluto, Ate?” tanong ni Boyet. Nilagyan din nito ng bubong na yero sa may puso at gumawa ng ihawan at nagdala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD