PAKIRAMDAM ni Yoshin ay may sumabog na kung ano sa dibdib niya at biglang umalburuto ang init ng kan’yang ulo. Sa dami ng tao sa recreation facility, wala siyang tiyaga isa-isahin ang mukha ng mga ito. Naka-focus siya kay Maya at sa pakay niya. “F*ck!” he cursed. “Actually, lately lang namin natuklasan na si Selvestre ang may-ari nitong hotel. Pero nag-imbestiga na kami noong unang punta namin dito. At kaya kami narito ay para isalba ang asawa mo, Yoshin,” ani Craig. Nilamon na siya ng galit at marahas na tumayo. “Calm down, Yoshin. Maya will be safe here. She got an invitation from Selvestre to meet his foreign friends, but one of them was our agent who disguised,” sabi naman ni Dimitri. Hindi pa rin siya mapakali at tinawagan si Bernard. Sumagot din ito kaagad. “Where’s Maya?” tan

