AKALA ni Maya ay uuwi na sila nang makasakay siya ng kotse. Wala siyang dalang big bike dahil hinatid siya ni Bernard lulan ng kotse. Ginagamit din kasi ni Yoshin ang big bike at pinupuntahan ang dini-demolish na lumang cafe na nabili nila. “Saan tayo pupunta?” ‘takang tanong niya. “We will dine,” turan nito. “Saan? Kumain na ako sa bar pero konti kasi busy, hindi ako nakapag-focus sa pagkain.” “I found an Italian restaurant where Chase invited me for lunch. My mom mentioned those foods before, and he also cooked those for me.” “Aba! Himalang kakain ka sa local restaurant dito, ah. Sige nga, tingnan natin kung masarap ang pagkain.” Bigla naman siyang nasabik. Nagsuot pa si Yoshin ng prosthetic mascara. Sa Makati lang naman sila nagpunta at medyo malayo na sa sentro ang restaurant na

