NANG makahugot ng lakas ng loob ay nagpakita rin si Maya kay Yoshin. Namataan niya ito na nakaupo sa harap ng lamesa, itim na itim ang kasuotan, kasing itim ng budhi nito. Humakbang siya palapit dito dala ang bag ng pera. Inilapag niya ito sa lamesa at binuksan. “Ayan na ang bayad ko sa ninakaw kong relo mo! Isang milyong dolyar ‘yan mahigit, sobra pa sa presyong sinabi mo kasama na ang unfinished contract ko! Nasa three milyon mahigit ‘yon sa peso, ‘di ba? Siguro naman sobra na ‘yan. Dinagdagan ko ng isang milyon para sa gintong ninakaw ko,” aniya. “I’m not asking for your payment,” sabi naman ni Yoshin. “Eh, ano? Gusto mong balikan kita? Para ano? Para may libangan ka at parausan?” palatak niya. Tumawa pa siya. Namaywang siya at matapang na nakipagtitigan kay Yoshin. “Hindi na puwede