Chapter 2

1250 Words
RECEPTION "Now, that everyone had their fill, may I request the bride and groom to please come in the middle for their first dance." Ito yung parte ng event kung kailan magsasayaw ang bagong kasal sa unang pagkakataon, upang lalagyan rin ng mga tao ng pera sa kani-kanilang mga kasuotan. Bago pa may isa sa kanila na kumilos ay parehong napapalingon sila sa isa't-isa. Kasalukoyan kasi silang nakaupo sa harapan, sa mismong upoan na inilalaan para sa bride at groom. Actually, for the whole session ng giving of messages for the best wishes of the newly wed ay hindi nakatuon doon ang atensyon ni Sawyer. Ayaw man ni Cassandra na mapalapit muli dito sa asawa niya at baka makarinig na naman siya dito ng kahit na anong pamimintang ay wala siyang choice kundi ang makisama sa flow ng pangyayari, lalo pa't ayaw niyang bigyan ng problema ukol dito ang pamilya niya. Kahit na hindi niya naman obligasyon ito. Before her, he stood up and offered his hand to her. Walang emosyon sa mukha ni Sawyer and she doesn't care kung paiiralin nito ang galit sa kaniya. Saka, wala naman siyang kasalanan at biktima lang din siya. Tinanggap niya ang kamay nito sa pamamagitan ng paglagay ng kaniyang kamay sa nakalaan nitong palad. "Let's give them a round of applause please!" nagagalak na pag aaya ng host sa mga guests nang sila'y tumayo na. Isang masigarbong palakpakan ang namayani para sa kanila. Pagdating nila sa gitna ay biglang kinabahan si Cassandra, hindi kasi siya gano'n ka galing sumayaw at matagal na rin no'ng huli niyang subok. And that was on her 18th birthday. But now, she's 24, it's been 6 years. "I'm not ready for this." bulong niya sa kaniyang sarili, but it didn't escape from him from hearing. "Just go on with me." tipid na sagot ni Sawyer, gulat pa nga siya na sumagot ito. He placed her right hand on his shoulder, "Give me your other hand." nagdadalawang-isip man ay ibinigay niya rin sa huli ang kanan niyang kamay. He intertwined their hands before putting his right hand to her waist. She frozed. Kagaya ng sabi nito, nakisabay siya dito. He's not bad for a dance partner either, dahil kahit hindi siya marunong, he glide her carefully that gives her peace to move freely. "Mahal na mahal ko ang ate mo--" panimula ni Sawyer na kaagad naman niyang sinagot. "Halata naman, kasi hindi ka naman mag re-react ng gano'n kung hindi." hindi naman nito kailangan ipamukha sa kaniya dahil hindi rin naman siya interesado. After that small talk, kahit pag apologize kay Cassandra ay hindi ginawa ni Sawyer. Until the reception party has come to an end at kasalukoyang hinahatid ang mga guests sa exit ng venue hall. She's now wearing the inner part of the gown now, which hugs her perfect curves sa waist down to her thighs and down to the ground kasi detachable yung bloat na nilalagay sa hips at mamukhang fairy tale ang gown. While her hair was fixed at naka bun na ngayon, kaya nakalantad ang neckline tiyaka a portion of her chest kasi strapless ang gown. Nang sila na lamang ang natira ay dumalo sa kanila ang kani-kanilang mga magulang, informing them that there will be a car exclusive for them na maghahatid sa bahay nila. "There's no way we're gonna live in the same roof!" reklamo ni Sawyer sa sariling mga magulang. Puno ng pagkadisgusto na makasama siya. "Ma, Pa, ayoko ring tumira kasama siya. Hindi ako komportable." while Cassandra is maturely calm as she talk to her parents. "I'm so proud of you, anak." madamdaming salaysay ng ama niya, "You've grown up so well, na kahit hindi ka namin masyadong napagtuonan ng atensyon ay napakabuti mo pa rin para tulongan kami ng mama mo. Hindi kagaya ng ate mo, napaka-bastarda. Kung sino pa ang kasama namin, 'yon pa ang magbibigay kahihiyan sa pamilya natin." nginitian na niyakap niya ang ama upang pakalmahin ito. "Nang dahil sa inyo ni Mama, lumaki po ako ng maayos. Thank you for raising me so well. Tiyaka, Papa, hayaan niyo na lang si Ate. At huwag muna natin siyang husgahan, siguro sa pagbalik niya, maipaliwanag niya rin kung bakit." Kumalas ang ama niya sa yakap at hinawakan naman siya sa mga kamay ng ina niya. "Umalis ng bansa ang ate mo, Cassandra. Kasama ang isang lalake na sa tantiya namin ay si Dan na ex-boyfriend niya." SA nalaman niya mula sa kaniyang ina ay naging speechless si Cassandra. Kahit na ngayong nasa kotse na sila ni Sawyer ay naiisip niya pa rin kung bakit at paano nagawa iyon ng ate niya. Napasulyap siya sa kabilang gawi ng upuan dito sa backseat, kung saan nakaupo si Sawyer. Nakita niya itong nakatulala lang sa labas habang ang ulo nito ay nakahilig sa mismong bintana ng kotse. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito, it's not something that a person could get away with it easily. Ang presko pa ng pangyayari. Kaya kahit sungitan siya o sa kaniya man ilabas nito ang galit na nadarama, ay hindi niya na lang binibigyang pansin. Mahirap din naman sa parte niya, kasi suddenly she's trapped in a marriage na labag sa kagustohan niya. No love. No sincere feelings. Just because of pure business. Pumasok ang kanilang kotse sa isang village, and it took her attention because this village seemed to be very familiar. Parang may nagawa na siyang ganitong design years ago at mukhang hindi lahat ng units ay tapos na, pero marami na rin ang mga nakatira. The designed was made in box type two storey house in classy modern design. Hindi magkadikit-dikit ang mga units at may malaking space each houses like each lot covers a hundred square centimeters. Kaya kahit two storey lang ang bahay ay malaki pa rin ito. May space for garage at hindi prone sa kahit na anumang aksidente because of the gap of each units. After a few minutes, huminto sila sa isang unit na walang kailaw-ilaw. At dahil gabi na at wala pang ilaw na naka-on, hindi masyadong na e-emphasize ang disenyo ng bahay. "Nandito na po tayo, ma'am, sir." anunsyo ng driver. Naunang bumaba si Cassandra at nasa gawi naman niya ang magiging bahay nila kaya hindi na niya kinailangang umikot para marating ito. "Salamat po sa paghatid, kuya." pagpapasalamat niya sa driver na sinuklian lang din siya ng ngiti. Nauna siyang pumasok sa bahay gamit ang susing binigay sa kaniya ng mother-in-law niya. She turned on the lights and went to sit by the sofa sa sala. Masakit na kasi ang mga binti niya dahil sa heels at naiinitan na rin sa kaniyang kasuotan. Gusto na niyang maligo. Hindi nagtagal ay pumasok si Sawyer, parang walang kabuhay-buhay ang mukha nito dahil sa dinanas na unnotified break-up sa pagitan nito at ng ate niya. Nagkatinginan silang dalawa at naunang nag iwas si Cassandra. He can tell how tired she is because of her posture, kaya naman... "We'll have separate rooms, ako na sa guest room. Ikaw na sa master's." "Don't even bother talking to me, uuwi ako sa bahay ko." 'yon naman talaga ang plano niya, naupo lang siya dahil gusto niyang e relax saglit ang katawan niya habang hinihintay ang susundo sa kaniya. Also, their parents expected them to go home here, so to prevent being seen by the driver na umalis siya kaagad dito ay nag stay muna siya saglit. "You don't have to leave, pero kung 'yan ang gusto mo, bahala ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD