SINUNDO siya ni Thea, her bestfriend. Mga ilang minuto lang ay dumating ito.
"Woah! Parang ang dami mo yatang e ku-kuwento sa'kin ngayon. Dahil sa damit mo pa lang, parang ang init-init pa." Bungad nito na may kasamang pagbibiro. Si Thea kasi yung tipong mahilig sa balita, lalo na't pagdating sa buhay niya.
"Oo, kaya ihatid mo muna ako pauwi. Nakakapagod ang araw na ito, gusto ko na muna magpahinga." sinunod naman ng kaibigan ang kaniyang nais at pinahaharurot ang sasakyan paalis.
"Alright, let's go! Woahh!"
Sawyer watched the whole scene until their car vanished from his sight. He went back inside the room and went down to see if there's something to drink in the fridge. It's just that, he couldn't rest his mind the same as how his heart continue to ache. Para siyang mababaliw kung lahat ng sakit ay titiisin niya nang hindi man lang gumawa ng paraan para makalimutan niya ang mga iyon sa saglit na panahon.
He saw a can of beers in the fridge, na para bang bago sila umuwi sa bahay nila ay ni restock muna lahat, including mga gamit at groceries. Everything there is brand new.
Halos hindi na siya humihinga sa walang tigil ng kaniyang pag inom, at nang malasing na, he unconsciously took his phone and sent spam texts to Cassey, his supposed to be bride.
"Baby, what did I do?"
"Why did you leave and left me hanging? You should've took me with you."
"Mahal mo ko di'ba? Bakit mo to nagawa sa'kin? Bakit mo ko sinaktan at sumama sa ibang lalake!" siguro kaya naman niyang tanggapin na umalis lang ang nobya, pero ang katotohanan na sumama ito sa ibang lalake?
Parang sinasaksak siya ng milyon-milyong beses dahil mahal niya eh. He can't even recognize himself now, dahil walang segundong hindi niya naaalala ang mga alaala nilang magkasama at masaya.
What are those for her? Isn't he important?
O kaya...
Mahirap man aminin, ngunit pakiramdam niya ay ginagamit lang siya nito.
"Dapat sinabi mo sa'kin kung hindi ka pa handang magpakasal sa'kin at ako na sana ang nag postponed. Bakit naman kinailangan umabot sa ganito?" halos yakapin na niya ang island counter at ang mga bote ay wala siyang pakealam kung ang mga ito ay nasagi niya.
"Mahal kita, Cassey. Hindi ko kayang mabuhay kapag hindi kita kasama, kaya please, come back to me..." His voice cracked while chanting these words, walang pakealam kung nagmamakaawa na siya sa hangin as if kaharap lang niya ang taong nang iwan sa kaniya. Habang ang mga luha at sipon ay nagpang-abot na. Sa sikip ng kaniyang dibdib, he could barely breath. "Ikaw na nga lang ang nakakaunawa at nagpapahalaga sa'kin baby, uwi ka na, miss na miss na kita..."
NABUHAYAN ng kaunting pag asa si Sawyer nang mag beep ang kaniyang cellphone. Sa pag aakalang si Cassey iyon ay dali-dali niya iyong binasa, ngunit he's feeling disappointed when it's not her at galing lang ang message sa sim card network niya. Informing na ubos na ang kaniyang load at need na niyang mag reload.
Sa sobrang galit, tinapon niya sa kung saan ang cellphone. Na sa sobrang lakas rin ng impact ay natumba ang naka-display na mamahaling vase at gumawa ng malakas na ingay sa kabuoang bahay.
Gano'n ang naging istilo niya hanggang sa nakatulog siya kusinaa kakaiyak dahil sa pagluluksa ng sarili niyang puso. Kung sana ay nakipaghiwalay na lang ito ng maayos sa kaniya ay kakayanin niyang tanggapin. Pero itong biglaang pang-iiwan sa mismong kasal na pareho nilang pinaghandaan ay hindi niya kayang matanggap.
Hindi lang yun, napakarami ding nasayang. Pera, panahon, at oras.
---
HOWEVER, nang makauwi sa condo unit niya si Cassandra ay ginisa muna siya ng kaibigan bago pinayagang matulog. Hindi na rin ito umuwi dahil pasado alas tres na sila ng madaling araw natapos. Late na kasi no'ng matapos ang event, tapos late na rin no'ng nasundo siya.
"So, you mean to say, ikaw ang naikasal sa nobyo ng ate mo?!" Thea was so shocked to know at talagang kinklaro muna nito baka nagkamli pa siya ng pagkakarinig.
"Yes,"
"Omg! B-Bakit... H-How?!" sa lakas ng boses nito ay parang mapagkamalan na itong sumisigaw dahil yanig ang buong unit sa boses nito. "Like, 'yung sinabi mo na tinawagan ka ng mom mo to pick her up and when you arrived at the location biglang sinabi sa'yo na nawawala ang ate mo at ikaw na lang ang gaganap sa kasal na dapat sa ate mo?!"
"Na siyang tama, Thea. Sinummary mo lang 'yung mga sinabi ko eh." pag re-reklamo niya sa kaibigan na kinindatan lang siya habang kumakain ng french fries na dinaanang bilhin nila sa potato corner.
"I just want to make sure, Cass. Baka mali ang interpretation ko, ito naman, parang hindi na sanay sa'kin." inayos pa nito ang nahulog na strap sa braso ng sandong pantulog na suot. "Kaloka naman pala 'yang ate mo, bakit naman siya tatakbo at sa dinami-raming araw ay sa mismong araw pa ng kasal niya." hindi maitagong inis na sambit nito at parang gusto pa ngang murahin dahil sa kagagahan nito na siya ang sumalo. "Tapos ikaw pa ang nadehado at ginawang pamalit para lang hindi mapunta sa kahihiyan ang pamilya niyo. Bakit kaya siya ganiyan? Kung hindi naman pala siya sure sa lalakeng pakakasalan niya o kaya siguro tumakbo ay dahil hindi niya mahal yung tao... edi sana, nagtapat na siya!"
She has nothing more to say, dismayado at galit man siya sa ate niya... wala ng mababago dahil nangyari na ang mga nangyari. Kasal na siya sa nobyo nito. Sadyang napakamalas niya lang talaga.
"Hayaan mo na, Thea. At matutulog na muna ako." pinal niyang sabi at humiga na sa kama niya. Nasa kuwarto lang naman niya sila nag ku-kuwentuhan. Mas sasakit kasi ang ulo niya sa tuwing naaalala niya ang mga kaganapan kanina.
---
KINABUKASAN...
Alas dyes ng umaga na ng magising si Cassandra. Tirik na tirik na ang araw sa kalagitnaan ng kalawakan. She risen from lying her bed and rubbed her eyes para alisin ang iilang muta na nando'n. Nilingon niya ang kaibigan na tulog na tulog pa rin sa tabi niya at humihilik pa nga. Buti hindi nag la-laway. Kinumotan niya ito at baka magising ito na may masakit na tiyan. Malakas pa naman ang temperatura ng aircon sa room niya. Tiyaka siya bumaba at nagpunta sa banyo upang maghilamos na rin.
She went directly to her office, which is ang kabilang room nitong kuwarto niya. It's supposed to be a bedroom as well, pero ginawa niya lang opisina since hindi naman siya nag wo-work onsite.
She tied her hair into a messy bun, the moment he sat by the swivel chair. And of course, before touching anything.
From 10:00 AM onwards, her work started. Una ay nagbabasa lang siya ng tungkol sa gusto ng clients para sa house nito, kasama na rin ang desired arrangements. Saka niya e divide ang measurement ng lote into areas. It took sometime but naitawid naman niya ng sumapit na ng ala una.
Kasalukoyan siyang nag sketch ng anterior design ng bungalow house para sa kaniyang kliyente, but then suddenly, her phone rings.
---
TINANGHALI na ng gising si Sawyer sa island bar ng kusina. Masakit ang kaniyang ulo na sa sobrang sakit ay naluluha ang kaniyang mga mata.
Hangover.
Bumaba siya sa kinauupoang stool at pasuray-suray na tinahak ang daanan patungo sa hagdanan. Napaka-kalat na ng kusina dahil sa nagkalat na empty cans ng beer at mga bubog ng cellphone niya at ng vase na nabasag niya.
Honestly, those are just things. Pwedeng napapalitan. And he doesn’t care if he could destroy countless things dito sa bahay.
Kakahawak niya pa lang sa hawakan ng hagdanan nang mag ingay naman ang telepono.
"Fvcking telephone. Shut up!" Kahit sa bagay lang ay naiinis na rin siya. Normal pa kaya 'yon? Tumahimik naman ang aparato, kaya siya ay humakbang na paakyat. Ngunit makalipas ang ilang segundo, nag i-iingay na naman ito. Mukhang ayaw talaga tumigil kaya't marahas na napapasabunot siya sa kaniyang buhok bago bumaba at pinuntahan ito for him to answer.
"Who is th--" natatamad ang kaniyang boses na tinapatan naman ng matinis na boses ng kaniyang ina sa kabilang linya, dahilan kung bakit siya napapatigil rin.
"Sawyer, what were you doing at hindi ko ma kontak ang cellphone mo?! Kanina pa ko tawag ng tawag sa'yo! My goodness!"
"Wala na, I destroyed it mom."
"Puro ka nalang sira ng sira, kailan ka ba ti-tino? Pang tatlo mo na 'yung cellphone ngayong taon! You don't even appreciate the value at kung paano namin nakukuha ng dad mo ang perang ginagamit mo sa araw-araw!" Kay agang tanghali, na sermonan siya ng ina. Kahit malayo sa bahay ay sermon pa rin ang bungad.
"It'll never be fix again, mom. Sira na. Wala na tayong magagawa doon!" Anggil niya at naiinis na rin sa ina.
"Ang akala ko kapag nag asawa ka na ay magiging matino ka, pero mas lalo ka lang lumala, Sawyer!" At it seems like there's no way for his mom to shut up at natural ng marinara ang bunganga nito. How wished he could destroy this telephone as well?
"It's your fault! Kumuha kayo ng ibang babae imbes na ang pinakamamahal ko ang magiging asawa ko."
"Oh, bakit sa'min mo isumbat ang kasalanan ng girlfriend mo? Bakit? Hindi mo matanggap na may lalake at ibang mahal ang mahal mo?! Come on, you're not a child anymore! Get your ass up and move on bago ka pa maabotan ng Lola mo diyan na wala sa tamang huwisyo!"
Upon hearing about his granny, para siyang nabigwasan ng tubig at tuloyan na ngang nagising.
"Ano? Pupuntahan ako ni Lola? Pero, bakit?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Wala siya kahapon sa kasal mo, dahil abala siya sa ibang bansa. Kanina niya lang sinabi na pupuntahan ka niya, siguro ma-kamusta na rin." Medyo mahinahon na ngayon ang tuno ng kaniyang ina, at siya naman ngayon ang naghi-histerya.
"N-No, no, nooo! Bakit ka basta pumayag, mom?! Alam mo namang ayoko sa kaniya di'ba?!"
"Eh? Anong magagawa ko? Lola mo 'yon kaya ikaw na ang bahala. Baka diyan din sa bahay niyo siya mag s-stay ng ilang araw."
Parang sasabog ang ulo ni Sawyer nang may iba pang napag-alaman. "Holy... hindi pwede mom! Diyan na lang siya sa inyo!"
"I'm not the one to decide. Anyways, kamusta naman si Cassandra? Hindi mo naman siya inaway diyan?"
Mas lalong hindi na ma-ipinta ng maayos ang mukha ni Sawyer nang kamustahin naman sa kaniya ang asawa niya 'yon. "Wala siya dito, umuwi."
"Kailan?"
"Kagabi."
"Sinungitan mo?"
"Hindi."
Napabuntong-hininga ang ina sa kabilang linya, talagang pasanin ang anak nilang 'to. Kahit no'ng bata pa si Sawyer ay napakatigasin ng ulo. Kaya nga ayaw nito sa Lola dahil magkapareho ng ugali.
Kung ano ang gusto, yun talaga ang masusunod. Kung hindi, gagawa ng paraan. Gaya na lamang ng intensyon ang mag cutting sa klase, o kaya pag ditch sa bahay kahit grounded. Low ang scores sa school dahil barkadista at nahilig sa mga sugal.
"Tawagan mo! Kapag ikaw naabutan diyan ng Lola mo at wala ang asawa mo, managot ka talagang bata ka!" Banta ng kaniyang ina na ikinakaba naman niya.
Akmang kukunin niya yung cellphone, pero sa paglingon niya doon sa kusina, ay naaalala niyang basag na nga pala. Pero anong silbi ng cellphone niya kung wala siyang number?
"How am I supposed to contact her, eh wala naman akong number niya, mom." Nakakunot ang noo na ulat niya kasabay ng pagsuklay ng kaniyang buhok gamit ang sariling kamay.
"Me, either. Tawagan mo na lang ang mother in law mo. Nandiyan ang number sa drawer just below the telephone. May meeting pa ako, kaya bahala ka na. Malaki ka na."
Nahanap niya naman ang numero na sinasabi ng mom niya, nakakailang lakad dito at lakad doon pa siya sa harapan ng telepono kung tatawga ba siya o hindi. Lalo pa't naaalala niyang nakita nito ang ginawa niya kahapon sa asawa niya.
Pero sa huli...
"Good afternoon po... si Sawyer po ito T-Tita." At dahil nakilala naman niya ang mga ito noon no'ng ipinakilala siya ni Cassey, tinawag niya ito sa tawagang nakasanayan niya.
"Good afternoon, hijo. Anong sadya natin?" Hindi naman ito mukhang galit base sa tono ng boses nito.
"I just want to ask, may phone number po na kayo ni Cassandra? Is it okay if hihingi po ako, kasi maaga siyang umalis at nakalimutan kong manghingi." Damn, he's even pretending that Cassandra stayed the night with him in one roof.
"Okay, hijo. Isulat mo na lang sa papel at e dictate ko."
Mabait naman talaga ang ginang, sapagkat minsan niya na rin itong nakakausap at nakakabonding kapag bumibisita siya sa kaniyang nobya sa bahay ng mga ito.
However, this time. It feels like bumalik siya sa simula. Like from zero. As if kakakilala lang niya dito dahil sa pagka-ilang niya ngayon during call.
"09XXXXXXXXX"
"Salamat po, tita."
"Please treat my daughter well, Sawyer. She may not be Cassey but she's kind and has a good heart. She's innocent and wala siyang kasalanan." Was the last advices that his mother-in-law gave before it ended the call.
Tila siya'y nakonsensya at kinailangan niya na yatang humingi ng tawad kay Cassandra sa nagawa niya ditong pamimintang at pamimisikal kahapon. Hindi niya naman iyon sinasadya. He was only driven by his emotions. He was in pain, and it was overflowing that he couldn't contain to relax or maximize it.
Pero may mali pa rin siyang nagawa, and he has to apologize no matter what.
---
HININTO muna ni Cassandra ang kaniyang ginagawa at sinagot ang maingay na cellphone.
"Hello, good morning. Cassandra Elise Ferrer speaking." While having her phone in between her shoulder and ear, she poured water to her tumbler na dadalhin niya pabalik sa office niya.
"Correction, it's Mrs Valdez for you. Yes, wife. You're speaking to your husband, Sawyer Valdez."