AYOKONG pangunahan dahil masama naman talaga na mag-judge ng tao. Pero sobrang bilib ako kay Senyora na nakuha niyang dumikit ng husto sa tulad ni Isabel. Taliwas sa pagkakakilala ko sa kanya. Mahalaga ang oras niya at hindi siya basta-basta pumapansin ng hindi niya kalebel tulad na lang ng katulong. "Napapansin ko 'yong sobrang closeness nila ni Senyora. Nahihiwagaan ako pero iniisip ko na lang na baka nga nagbago na siya. Hindi na siya matapobre ganoon?" Napangiwi ako habang nakaupo at nakaharap tokador habang sinusuklay ang aking buhok. "Possible. Ilang buwan rin naman siyang wala. We both don't know how much realization she has this past few months. Ang tao naman nagbabago kapag may na-realize sila na mali nila. Lalo na sila lang ni Belinda sa US. Siguro nakapag-isip-isip silang dala

