NAWALAN ako ng gana kaya hindi na ko nag-swimming pa kundi mahigpit ko lang binantayan si Luke at pinanuod sila ni Isabel sa dalampasigan. Tahimik si Philip pero hindi na ko pinilit na pag-usapan ang bumabagabag sa akin pero nanatili siya sa aking tabi. Hindi na umalis. Wala tuloy naligo sa amin kahit isa maliban nga kila Luke at Isabel. Muli niya akong inamo nang makarating kami sa loob ng kwarto. Pinaulanan niya ako ng halik at yakap. "Don't get jealous, please." Tumaas ang kilay ko. "Hindi ako nagseselos," sagot ko. In denial. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito na ayaw ko siyang makitang may kadikit na iba. Insecure ako. Iyon ang totoo. Wala na kong confidence dahil sa katawan ko. "Fine. Bakit ang lamig mo? Kanina ka pa, hindi na tayo nakaligo. Ano bang problema?" Sinundan

