NAGPAALAM ako kay Philip na pupunta ako sa clinic. Nahihiya pa nga ako na aminin kung saan ako pupunta kasi hindi naman ako pala alis sa bahay. Kung aalis man lagi silang kasama ni Luke. Family date kami palagi. "I want to get my shape back. Babalik ang kumpiyansa ko sa sarili kapag nagpa-clinic ako. Lately, napabayaan ko na ang sarili ko at hindi ko naman kaya ang ginagawa mo. Sasakit lang ang binti ko sa gym." "Do you want me to go with you?" tanong niya. Umiling ako. Gusto ko mag-solo ngayon. Iyon bang sarili ko lang iintindihin ko. Tumango si Philip at pinasadahan ang basang buhok nito. Katatapos lang kasi niya maligo at magbihis. Ako naman ang maliligo ngayon. Simula ng nagpakasal kami. Hindi na syempre ako inaasikaso ni Diana palagi maliban na lang kung may special request ako.

