HINDI kami umalis sa hospital hanggat wala kaming nakukuhang balita pa galing sa Doctor. Nasa labas na kami ng operating room dahil nagkaroon ng major operation si Daddy. Dalawang oras na pero wala pa. "Mrs. Oraza, we will do our best. Right now, on going pa rin ang coronary bypass surgery ng pasyente. Expect the operation will take three to six hours. Please pray for the patient na kayanin ng katawan niya and pray for a successful operation. That's the best thing you all can do as of the moment." Natulala na naman ako nang marinig ang sinabi ng Doctor. Bumalik ulit ang Doctor sa loob. "Oh, god!" bulalas ni Marinel at nanghihinang napahawak kay Isabel. Inakay naman siya nito papunta sa upuan tapos ay pinaypayan na naman. Napapikit ako at hinilot ang aking sentido. Nasa tabi ko si Phili

