TUMIKHIM si Philip. Alam kong ramdam niya na pinagdududahan ko iyong nangyari. "Kasi po wala si Kuya Rey. Maliligo po si Senyora kaya po sabi niya linisin at palitan ko raw ang tubig. Natapilok po kasi ako doon sa gilid." Hindi ako nakapagsalita at hinawakan ako ni Philip sa beywang. Basa pa man din ang kamay niya. "Naabutan ko siyang nalulunod kaya tumakbo ako para sagipin. Nabasa rin tuloy ako," paliwanag nito. Huminga ako ng malalim. Mali ang mag-isip ng hindi maganda. Ewan ko ba at bakit napapraning ako. "Oh, what happened? Bakit basa kayong dalawa?" Napaiwas ako ng tingin ng marinig ang boses ni Marinel. Tinignan niya pa kaming tatlo. Napatayo si Isabel. "Natapilok ako Senyora at nalaglag sa tubig. Salamat po kay Gov dahil nasagip niya ko agad. Siguro kung walang nakakita. Pina

