PARA akong naestatwa. Hindi ko alam kung kukunin ko ba iyon o magpapanggap ako na hindi ko nakita. Galing ba sa bag ko 'yon? Paano nangyari? Kanina ko pa ginagamit 'yong bag ko. Paanong napunta iyong singsing doon. "We we're okay noong wala ka. You took his attention. Sa akin dapat 'yon. Aren't you happy, huh? Isn't it enough? Your mansion? You have a good life here. Bakit kailangan pati si Philip—wait! Is that my ring?" Nanigas ang katawan ko at nanlamig ang tiyan ng mapansin na ng tuluyan ni Belinda iyong singsing niya. Kinuha ko ang lipstick ko na katabi ng singsing at tumayo. "Hindi sa akin galing 'yan. Wala akong alam diyan," iyon agad ang lumabas sa bibig ko. Pero kinakabahan ako kahit na totoong wala nga akong kinalaman sa pagkawala ng singsing niya. Dinampot niya iyon at galit