KABANATA 42: KINAUSAP ako ni Daddy tungkol sa biglang pagdating ni Senorito Charles. Si Mommy muna ang nag-entertain sa binata habang nasa library kami ni Daddy. "You have to distance yourself from anyone, even Charles. It's hard for anyone else to get involved. So far, the case is ongoing. We have to be careful. I let him enter the Hacienda. Nandito na kaya mahirap naman pauwiin ko na lang." Iyon ang sinabi ni Daddy kaya habang naglalakad kami ni Senorito Charles ay nabanggit ko na sa kanya na hindi na muna kami p'wedeng magkita. "Is there any problem?" tanong niya sa akin Huminto na ito sa paglalakad para harapin ako. Sumenyas ako sa driver. "Saglit lang po," sabi ko at sinulyapan ang limang security na nakabuntot sa amin. "This is unusual. You don't go with a bunch of security