SERYOSO si Philip habang nagmamaneho. Pinili nitong mag-drive at inutusan ang mga tauhan na huwag sumununod sa sasakyan niya. Medyo kinabahan ako dahil hindi maipinta ang mukha niya. May bahid ng galit maging boses niya at alam ko na kung bakit. Ilang minuto pa lang umaandar ang sasakyan pero tahimik pa rin ako sa tabi. Sinusulyapan ko siya at napapatingin sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa manibela. Nakatupi hanggang siko ang suot nitong puting longsleeves. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano maglabasan ang ugat nito sa braso. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Bakit nakakaramdam ako ng matinding atraksyon samntalang galit nga siya sa akin. Halata naman dahil hindi niya ko kinakausap simula ng bumiyahe kami. Sinulyapan ko siyang muli. Naabutan ko ang pagtingin nito sa sid