HAWAK-KAMAY kaming pumasok sa bahay niya. May security team na naka-assigned din sa bahay ni Philip kaya pinagbuksan kami ng gate. Iyong naiwan sa Laguna hindi ko alam kung pauwi na rin ba. Pagpasok sa loob ay panay na ang taas-baba ng palad ni Philip sa beywang ko at halik sa sentido ko. Hindi ako nagsasalita. Nakikiramdam ako at hindi pa rin nawawala iyong pagnanasa ko sa kanya. "Do you wanna take a shower? I'll turn on the heater and prepare your things," aniya matapos makapasok sa loob ng kwarto niya. Mabuti na lang may mga gamit na ako dito. Hindi problema kung matutulog ako dito. Kaya lang may bumubulong sa akin na hindi lang yata tulog ang gagawin naming dalawa. Pinakawalan kami ni Daddy kahit alam niyang may relasyon kaming dalawa. Tapos anong expect niyang gagawin naming dalaw