NANGINGINIG ako sa takot. Halos ayaw kong paalisin si Philip dahil baka mamaya may kung ano na namang mangyari. Paano kung ako lang mag-isa tapos nagkakagulo sa bahay niya. Akala ko ba okay na? Bakit may ganito. Kinabahan ako bigla para sa kanya, para sa aming dalawa. Baka hindi ko kayang bumiyahe mamaya pauwi sa amin. "Paano kung bumalik? Paano kung bigla tayong pagbabarilin?" Umiiyak ako. Hindi ko na kasi napigilan dahil sa sobrang takot. Ngayon ko lang naransan ang ganito sa tanang buhay ko. Duguan ang isang security niya dahil nakapwesto iyon sa gate. Nagtawag agad ng ambulansya at nadala din naman agad sa hospital pero kung pagbabasehan ang kondisyon niya na nakita ko sa CCTV. Malala iyon. Hindi na gumagalaw. Sana makaya niya. Sana maging okay siya. "That's why we will stay here.