KABANATA 17: NAPATAYO ako ng tuwid ng magsalita siya at talagang nakuha niya akong titigan ng diretso sa mga mata. "Sinusundo kita." Umawang ang bibig ko pero agad kong naitikom iyon. "Ayoko. Umuwi ka na. Dito lang ako. Isang linggo pa lang ako dito at nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko kaya dito na muna ako," mariin kong sabi at napahawak na sa magkabilang beywang. Bumuntong-hininga siya. "Nag-aalala na si Senyor," aniya. Napatingin ako sa kanya pero umiwas din agad. Kung siguro siya magsasabi na nag-aalala siya at miss niya na ko baka umuwi nga ko ng Batangas. "Okay naman ako. I-report mo na lang. Tsaka huwag ka na nga makisali sa issue ng pamilya namin. Ikaw pa 'tong sumusundo. Kaya namang gawin ng mga guards niya 'yon, ah?" Humalukipkip ako at nanatili pa ring sa ibang direksyon ang