KABANATA 9

2887 Words
MATAPOS ng pag-uusap na iyon sa office ni Daddy. Hindi na talaga nagpakita o tumawag si Tiya Helena sa akin. Naisip ko din na mas okay dahil hindi na siya hihingi ng hihingi ng pera sa akin. Isang linggo ang lumipas at nakuha ko ng malibot lahat ng mayroon sa Hacienda. Pinaliwag sa akin ni Daddy kung ano ang mga negosyo namin. Sabi niya tsaka niya na ituturo kung paano ang proseso sa susunod na linggo. Gusto niyang ma-enjoy ko muna ang Hacienda. Bukod doon, nag-aaral pa ako sa class ni Miss Sofia at dumagdag pa ang personality development ko na twice a week. Madalas din ang pasyal ni Gov sa amin dahil kay Belinda. Minsan napapatingin ako sa kwarto ni Belinda kasi doon siya tinuturuan ni Gov. "Hindi ako naniniwala na nag-aaral lang talaga sila," wala sa sarili kong sabi at nanliliit ang mga mata habang nilagpasan na ang kwarto ni Belinda. Pagdating ng dinner ay kasabay namin siya kumain. Lihim kong pinapanuod silang dalawa. Ako ang naiilang sa tuwing napapabaling si Belinda kay Gov tapos ngingiti. Parang mas 10x yata siyang naging mahinhin sa paningin ko kapag nariyan si Gov. Ako lang ba ang nakakapansin no'n? "Can I have the steak?" maliit na boses ni Belinda. Ngumunguya ako habang pinapanuod si Gov na mabilis na kinuha ang lalagyan para lagyan ang plato ni Belinda. Napaawang ako sa biglang pagpula ng mukha ni Belinda. Wow, mabilis gumalaw. Ginawang waiter si Gov. Kanina pa siya nagpapa-abot samantalang kaya naman niyang kunin. May katulong din naman. Pasimple kong pinasadahan ang ibang kasama sa lamesa. Wala silang pakialam. Panay lang ang kain. Ako lang yata ang maraming napapansin o baka sanay na kasi sila sa dalawa kasi nga... sila na daw. Sabi ng katulong ko. "Mylene, gusto ko ng ice tea," sabi ko at mabilis na tumango ang katulong ko pero mas mabilis si Gov. Inabot niya kay Mylene ang ice pitcher. "Gov, ikaw naman. May katulong naman kami. Hindi mo kailangan mag-abot. Nakakahiya," sabi ko. Tumawa si Gov. Maging pagtawa niya bakit parang umaawit ang mga anghel sa langit. Jusko! Crush ko lang si Gov, ha. Please lang, huwag niyong palalain ang nararamdaman ko! "Nasanay ako kay Belinda. Pasensya na," sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Dumating pa rin si Gov ng sumunod na araw at inabala ko ang sarili sa pagliligo sa pool. Pinagsawa ko ang sarili dahil noon, sabik na sabik ako kapag sinabing outing. Paano puro trabaho. Tapos pag-outing, may swimming na may pagkain pa. "Ano ba 'yan, Senorita. Puro ka naman sa gilid," reklamo ni Mylene.  "Hoy, ano ka ba! Amo natin 'yan," sita ni Diana kaya nag-sorry si Mylene. "Ano ba naman kayo. Magkakaibigan tayo dito. Hindi ako marunong lumangoy Mylene. Gilid-gilid lang ako tsaka lakad-lakad. Bakit ikaw marunong ka ba?" tanong ko habang nakahilig ang ulo sa gilid ng pool. Pinapanuod sila na nakaupo at inaantay ako kung may iuutos. "Hindi." Sumimangot ako. "Hindi naman pala. Tapos makasalita ka diyan, nakakaloka 'to!" sabi ko at umirap sa kawalan. Natawa si Diana. "Paabot naman ako ng pizza. Nagugutom na ko," utos ko na sinunod naman nila. Sa gutom ko wala pa yatang ilang minuto naubos ko na. Humingi pa ko ng isa. "Senorita, dahan-dahan! Hindi ba bawal ganyan kumain? Pagagalitan ka ni Miss Sofia at ni Senyora kapag nakita ka niyang ganyan," puna ni Diana. "Hayaan mo na. Hindi naman nila alam." Umiling silang dalawa at sabay na tumingin sa taas. Sinundan ko iyon ng tingin at napaubo ako ng makita ang CCTV. "Bakit hindi niyo sinabi agad!" "Hindi naman namin alam na ganyan ang gagawin mo," sagot ni Mylene. Mas lalong umasim ang mukha ko. Napatingin ako sa likod nila ng marinig ang pamilyar na boses. Malalim at malaki na boses. Parang lumundag ang puso ko ng mahagip ng aking mata si Gov! Kasama si Belinda at papunta sila sa kusina. Hindi ako nakita ni Gov dahil nakaharang sa harap ko iyong dalawa kong katulong. "Tuturuan na naman niya yata sa homework. Hindi ko alam kung tutor na ba si Gov ngayon. Kaya ayan, nag-e-extend siya sa trabaho dahil minsan kinakain ni Belinda ang oras niya," sabi ni Diana. "Sino nagsabi sa'yo niyan?" tanong ko. Kumagat ako ng pizza. Kaunti lang at marahang nginuya. "Naririnig ko lang kila Ursula. Usap-usapan ng mga katulong pero atin-atin lang 'yan Senorita, ha? Paano kasi my kamag-anak na nagtatrabaho 'yan sa office ni Gov. Nag-s-stay pa daw sa office dahil sa tambak na papeles. Tinatapos talaga niya lalo na kulang siya ng dalawa o tatlong oras sa office. Nag-e-extend pa nga daw." "Ang daldal mo, gaga ka!" sabi ni Mylene at nagtawanan kaming tatlo. Parang nag-iba tuloy medyo ang tingin ko kay Belinda. Hindi ba niya nahalata na nakakaistorbo siya sa Gobernador ng Batangas. Ang daming trabaho tapos heto siya nagpapaturo eh samantalang kaya namang magbayad ng tutor. Ewan ko bakit hinahayaan din nila Mommy at Daddy. At ewan ko din bakit ba big deal sa akin! Namitas kami ng strawberry pagdating sa hapon. Nagulat ako na narito pa rin si Gov kasama si Belinda. Mukhang mamimitas na din ng strawberry. "Uy, Gov! Belinda! Mamimitas din kayo?" tanong ko at inayos ang sumbrero kong suot dahil medyo natatangay ng hangin. Pasimple kong sinulyapan ang suot ni Gov. Polo and jeans tapos brown shoes. Semi-formal pero ang gwapo at ang bango tignan. Alam mo 'yong kapag titignan mo siya. Nawawala 'yong problema mo kasi ang aliwalas ng mukha niya. Hindi mo mapagkakamalang masamang tao dahil sa inosente niyang mga mata. Good boy! Ganoon ang dating kaya hindi ko maintindihan bakit tila hook na hook ako sa looks niya. Gusto ko ng malinis tignan pero si Gov ang soft kasi niya pero nakita ko din na kapag seryoso siya nakakatakot din pala. Iyon bang tikom lang ang bibig at titignan ka lang. Katulad ng una kong kita sa kanya. Hindi pa nagsasalita 'yon, ah. Paano kaya magalit ang tulad niya. "Oo, mamimitas ako ng strawberry. Dadalhin ko sa amin dahil gustong-gusto 'yan ng mga magulang ko." Nakangiti nitong paliwanag habang nasa nakapamulsa. Katabi niya si Belinda na panay na ang tingin sa mga strawberry. "Paborito pala—" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa pagsabad ni Belinda. "Look, Philip. Mas maganda yatang mamitas doon! Marami!" sabi ni Belinda at hinawakan sa braso si Gov sabay hila. Napaawang ako habang sinusundan silang dalawa. Mabilis lang na nagpaalam sa akin si Gov at nagpatianod na sa akay ni Belinda. "Philip lang ang tawag niya kay Gov?" mangha kong tanong sa dalawa na sinusundan ng tingin din ang lumayong si Belinda at Gov. "Opo, Senorita." Tumango na lang ako at inabala ang sarili sa pamimitas. Pero hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa kanila sa tuwing naririnig ang tawa ni Belinda. "Ay, Senorita!" "Huh?" lito ako ng bumaling kay Mylene. "Iyong paa ko... masakit!" sabi niya kaya nataranta ako at inalis ang paa kong nakapatong sa paa niya. "Bakit kasi paharang-harang ka naman!" yamot kong sabi. Napangiwi siya. "Ikaw itong hindi tumitingin, eh," sagot niya pero nakangiwi pa rin at nililinis ang nadumihang paa. "Pasensya na. Hindi ko napansin. Mas hitik yata ang bunga doon. Lapit nga tayo doon banda," sabi ko sa kanila at nauna na ako. Napatingin sa gawi ko sila Gov at binigyan niya lang ako ng ngiti. Isang matamis na ngiti din ang iginawad ko. Ramdam ko ang pagbilis ng pintig ng pulso ko sa ngiti niya. "Ito pa," sabi ko at kumuha na ulit. "You should try this. Promise, masarap!" sabi ni Belinda kaya napatingin ako sa kanila. Para naman akong namboboso nito. "Nasabi mo na iyan kanina. Nabusog na ko sa kakapakain mo ng strawberry." Natatawang sabi ni Gov pero walang nagawa kundi ngumanga ng ambahan ni Belinda. Tinikom ko ang bibig. "Ay, putang ina!" Napamura ako ng pagtingin ko sa gilid ay nagkatinginan kami ni Mylene. Napatalon ako sa gulat. Nalaglag tuloy ang iba kong strawberry. Napatingin naman sa amin si Diana ganoon din si Gov at si Belinda. "Sorry! Sorry! Nagulat ako. Pasensya na po! Sorry!" sabi ko at halos mamutla ako ng maalala na napamura ako dahil sa lintik na si Mylene na 'to! "Ang lutong no'n, ah! Malutong pa sa nakain kong fried chicken kagabi," biro ni Gov. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi siya nagalit. Natawa ako at napasulyap kay Belinda na nawi-weird-ohan sa amin. "Ate, magagalit si Miss Sofia at si Mommy kapag nalaman nila na nagmumura ka. You should control your mouth. It doesn't sound cool you know," sabi ni Belinda na siyang ikinatahimik ko. Nagkatinginan kami ng mga katulong ko. "Belinda... hindi naman niya sinasadya at syempre nasanay siya sa kanila." Tumango si Belinda at bumuntong-hininga. "Okay," sabi nito.  Napakurap-kurap ako. Parang maamong tupa si Belinda na oo na lang ang sinagot. Hiyang-hiya tuloy ako dahil nasita niya tapos may iba pang tao. "Mukhang natapon ang mga strawberry mo. Huwag ka ng kumuha at marami na ang sa amin. Bibigyan na lang kita," presinta ni Gov ng makita niya sigurong napatingin ako sa ibang napitas ko na nalaglag. Binigyan niya nga ako ng nakuha nila. Umalis din kaming tatlo ni Diana at Mylene pero nagpaalam muna sa dalawa. "Sana hindi magsumbong si Senorita Belinda. Nakakatakot kaya magalit si Senyora pero siguro naman hindi ka pagagalitan dahil anak ka ni Senyor," sabi ni Diana. Hindi ako nagsalita. Hindi iyon ang pinoproblema ko. Hindi maalis sa isip ko kung paano mag ngitian ang dalawa. Napahawak ako sa aking sentido. Hindi ko na nga nasundan ang pinag-uusapan ng dalawa sa likod ko dahil sa eksena kanina. Wala si Gov kinabukasan. Malamang ay nasa trabaho. Nasasanay na yata ako na palagi ko siyang nasisipat sa mansion. Minsan bumababa ako at nariyan na siya sa sala. Palaging kasama si Belinda. Tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ng mga kaibigan ko sa Maynila. Hanggang ngayon pinipilit nila alamin kung saan ako at bakit ni isang picture ko hindi daw ako naga-upload. Syempre noong nakaraan naka ONLY ME lang ang album talagang hindi nila nakita. Denise: Buntis ka siguro, ayaw mo magpakita. Hinahanap ka sa akin ni Enrique. Akala ko ba break na kayo bakit parang hinahanap ka pa? Hindi ko ni-reply-an ang chat sa akin ng kaibigan ko. Dati ko siyang katrabaho sa factory. Isa sa mga close friends ko doon.  Naging abala ako simula ng tumuntong sa Hacienda kaya nga bihira ako mag-social media. Kapag hawak ko ang cellphone ko ay puro picture ang inaatupag ko. "C'mon! Huwag ka ng mahiya and join me to swim!" yaya ni Mommy sa akin ng bandang hapon. Naligo na kasi ako sa pool kahapon. Ngayon gusto ni Mommy isama ako dahil wala siyang kasabay. Nag-aaral din ngayon si Belinda. Homeschool din ang ibang subject pero pumapasok siya sa school mismo kapag kailangan. Business Management course ang kinuha niya dahil isa din siya sa tutulong kay Daddy na humawak sa ibang negosyo. "Kasi..." sabi ko pero wala na kong nagawa ng itulak niya ako sa banyo. Napilitan tuloy akong magpalit at magsuot ng swimsuit. "Senorita, ang sexy mo talaga," sabi ni Diana. "Alam ko na 'yan. Wala na bang iba?" Nakangisi kong biro. Tuwang-tuwa ang mukha ni Mommy ng makita akong suot ang black bikini. "O, see?! I told you, dear! Lilitaw ang puti at sexy mo sa black string two piece bikini!" sabi niya at sinenyasan niya akong bumaba na sa pool. Nag-usap lang kami saglit at binigyan niya ako ng tip tungkol doon sa naging class ko kay Miss Sofia. Kapag kakausap sa mga bigatin daw na tao. Dapat mukhang classy pa rin ako tignan ganyan. Always be a listener lang and don't ever be so noisy. Napangiwi ako. Kaya ko ba 'yon? Siguro oo, lalo na kung napapalibutan ako ng hindi kilalang tao at puro sila nag-iingles. Tameme talaga ang beauty ko. "Nilalamig na ko, hija. Aahon na ako. How about you?" sabi niya at naglalakad na palapit sa hagdan ng pool. "Aahon na din po. Kakain lang saglit kasi nagugutom na ko," sagot ko at sumunod sa kanya. Tumambay ako sa lamesa. Pinasunod ni Mommy ang dalawang katulong sa kanya. Kaya wala na kong kasama. Bukas na bukas ang sliding door at tanaw mula rito ang loob ng mansion. "Teka nga wala akong picture na naka-bikini ako. Ito na lang se-send ko kila Denise." Natawa ako sa naisip. Nag-selfie ako na kita ang kalahati ng aking katawan. Kaso hindi ako satisfy kaya naghanap ako ng matutuntungan ng cellphone ko. Kinuha ko ang upuan at nilagay doon ang cellphone ko. Nag-pose ako para sa ilang shots pero naiinis ako sa resulta. "Dapat kasi may tripod or selfie stick! Ang pangit!" "Do you need help?" Napatuwid ako ng tayo ng marinig ang boses ni Gov! Awtomatikong bumilis ang paghinga ko! Nilingon ko siya at muli na namang nag-awitan ang mga anghel sa langit ng makita ko siya. Naka-ray ban siya. Suot ay polo shirt at shorts. Tapos boat shoes naman para sa paa.  Tumikhim ako ng inalis nito ang suot na shades at inipit sa damit nito. "Uh, hindi kasi ako makapag-picture ng maayos. Ang pangit pero okay lang! Keri ko na 'to, Gov!" sabi ko. Syempre nahihiya akong mag-utos sa kanya. Natawa siya dahilan para lumabas ang malalim nitong biloy sa pisngi. Nakagat ko ng mariin ang ibabang-labi. "Try me. I can be your photographer for now. I'm good at it," sabi niya at unti-unti ng lumapit sa akin. Bawat hakbang niya ay legit ang kapos ng aking hininga. Hindi ko na nagugustuhan itong epekto ni Gov sa akin simula pa ng lagi ko siyang nakikita sa Hacienda. Kinakabahan ako at natatakot dahil alam kong suntok sa buwan ang tulad niya. Nilahad niya ang kamay ng makalapit sa akin. Saglit kong tinignan siya sa mga mata. Wala akong makitang kahit na anong bahid ng malisya o adorasyon sa mga mata niya gayong naka swimsuit ako. Hindi tulad ng ibang lalaki na nakilala ko. Awtomatikong nagtatagal sa dibdib ko o sa katawan ko. Siya ay iba. Hindi ka makakaramdam ng binabastos ka. "Let me see..." sabi niya at sinilip na ang mga kuha kong litrato. Tumawa siya ng makita ang ilang picture ko. Natuon tuloy ang tingin ko sa maputi nitong ipin at natural na mapula ang labi. Bakit pati tawa niya kagalang-galang pa rin?! "Akala ko wala kayo. May trabaho," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Nararamdaman ko na kasi ang pamumula ng aking mukha. "It's my rest day. Pumunta din ako dahil pinatawag ni Senyor. Now that you're asking..." sabi niya at bumaling na sa akin. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ipipirmi ang mga mata. "Kinausap ako ni Senyor para turuan ka sa negosyo." "Ha?" lito kong tanong. Bakit siya pa magtuturo sa akin. Hindi ba siya busy? "Your Dad will talk to you about that. Probably later. Tara, picture-an na kita!" sabi niya at lumayo ng kaunti sa akin. Nailang ako bigla na mag-pose sa harap niya. Nakatayo lang ako doon at nakatingin sa camera. Nakangiti. Kumunot ang noo niya. "You didn't pose like that. It's unnatural," puna niya. Ako namang ngayon ang kumunot ang noo. "I saw you yesterday. You were so bubbly and did a lot of poses with your strawberries. Naiilang ka ba sa akin?" Tinagilid niya ang ulo at nanliit ang mga habang pinapanuod akong nataranta. "Medyo. Hindi ako sanay kasi na kasama ka. Sila Diana panatag ang loob ko kaya kahit na wacky shots okay lang." Ngumuso ako. "Expect more of me, then. Now, give me your best shot. Smile genuinely. Isipin mo na lang katulong mo din ako. Hindi ako si Gov, okay?" sabi niya dahilan para matawa ako. "Imposible naman 'yon."  "Ayan! You look beautiful!" sabi niya na nakuhanan niya pala ang pagtawa ko. Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya. Alam kong wala lang sa kanya iyong pagpuri niya sa akin pero bakit... iba ang dating sa akin. Kumurap-kurap ako at napahawak sa aking pisngi. "Why?" tanong niya ng mapansin ako na natigilan. Umiling ako at ngumiti.  "Game na!" maligaya kong sabi at nag-pose ng ilan pa sa harap niya. Sinikap kong huwag mailang at inisip ko na lang na tropa ko 'yong kumukuha ng pictures ko. "Dito naman! Uupo ako sa gilid. Tas sa ibaba ang paa ko. Nasa tubig. Kunwari stolen shots?" sabi ko sa kanya. Tumango lang ito at sumunod sa akin. Kunwari akong seryoso at mayroong nakangiti. "Okay na?" baling ko sa kanya habang nakangisi. Nawala ang hiya ko sa dami ng pose ko sa harap niya. Nahuli ko ang pagkurap-kurap nito na para bang natigilan pero agad ding nakabawi. Naputol ang moments namin ni Gov ng pumasok sa eksena si Belinda. "Philip! You're here!" aniya at bakas sa mukha ang sigla. Natigilan si Belinda ng makita ako. "Yes, kanina pa ko rito. Nag-usap lang kami ni Senyor. Let me help you," sabi ni Gov at lumapit agad sa akin para alalyan akong tumayo. Nilahad niya ang palad niya at nakakahiya namang hindi iyon tanggapin. Kaya sa pangalawang pagkakataon. Nahawakan ko ulit ang kamay niya. At mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa kuryenteng tila dumaloy sa aking katawan. "Why?" maagap niyang tanong. Nagtataka sa pagbabago ng aking ekspresyon. Umiling ako. Umakto ng normal pero ang puso ko naghuhurumentado at hindi ko na nagugustuhan ang tila abnormal na reaksyon ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD