UMUPO ako ng tuwid. Umiling si Miss Sofia at tinuro ang binti ko na medyo magkahiwalay.
"You don't sit like that, dear. Close your legs, please."
Sinunod ko siya dahilan para tumango ito. Nayayamot na ko. Pakiramdam ko kanina pa ko ibang tao. Mas masakit pa likod ko sa sobrang tuwid, eh. Tinuruan niya ako sa proper na pagtayo, pagbitbit ng bag, sa pag-upo. Mamaya tuturuan niya ako sa fine dining. Naka-30 minutes na din kami at lahat ng tinuro niya kanina ay pinauulit niya sa akin kung na-memorize ko na.
"Alright, so far naman kaunti lang 'yong nakalimutan mo. But if you keep on practicing or you apply it everyday na. You'll master it, Steph."
Tumayo ako at ginalaw-galaw ang balikat at nag-unat sa harap niya dahil ang sakit ng likod ko.
"Oh, no! That's not ladylike. You don't stretch your arms like that. Dapat with grace pa din. With elegant and not in you know... sa maraming tao."
Bumuntong-hininga ako at tumango.
"Girls! Break time muna!" sabi ni Mommy at tinawag kami para pumunta sa labas. Doon nag-set up si Mommy ng para sa snacks namin. Sa harap ng garden. Naabutan kong nagbabasa ng libro si Belinda sa kabilang table. Ngumiti siya at bumati kay Miss Sofia bago ako nginitian at binalik ang atensyon sa libro.
Bawat galaw niya ay ganoon na ganoon. Sa turo ni Miss Sofia. Kaya ko bang magpakaganyan? Prim and proper?! Jusko! Lumaki ako sa iskwater. Ang hirap mag-adjust kahit na gusto ko ang buhay ko dito dahil syempre hindi ko problema ang kakainin ko. Hindi na de lata ang pagtiya-tiyagaan ko. Kumportable ako sa tutulugan ko.
"I'll sit with my daughter. Maiwan ko muna kayo."
"Haay! Gutom na ko!" sabi ko at kukuha na sana ng cookies ng tinampal ni Miss Sofia ang kamay ko.
"Ano na naman?" yamot kong sabi at ang stick na bitbit niya na. Hindi ko alam saan 'yan galing. Wala akong nakita kanina!
"Aray!" Napatuwid ako ng upo at inayos ang pagkaka-cross ng aking legs dahil pinalo niya iyon ng stick.
"Parang iba na 'yan, Miss. May halong galit na?" biro ko pero nakangiwi.
Nanliit ang mga mata niya at napailing. Napatingin ako kay Mommy na natatawa habang eleganteng sumisimsim ng tsaa niya. Tamad naman kaming binalingan ni Belinda at muling tinuon ang atensyon sa libro niya. Narinig ko ng kinakausap siya ni Mommy.
"Apply what you learned a while ago. And don't just grab the food or use your bare hand..."
Ang dami niya ng sinabi. Ang gusto ko lang naman kumain! Bago ko yata nakain ang isang cookies ilang minuto na lumipas. Hindi ko na na-enjoy. Bigla akong nawalan ng gana.
"You do this, darling. Don't make it like circle-circle like that. Mali 'yon. It should be up and down..." sabi niya sa akin. Pataas-baba daw kasi ang halo sa inumin hindi paikot-ikot.
Nakahinga ako ng maluwag ng natapos ang klase ko sa kanya.
"Magaling siya hindi ba? Don't worry sa una lang mahirap. When you do that all day, you'll get used to it. Nag-iisa kang tagapagmana ni Senyor Wilfredo. Mataas ang expectation sa'yo ng mga tao dahil kabilang ka sa alta-sociedad. Soon, you're going to meet all the staffs... media... and of course your Dad's family and friends. They will adore you for being such a fine lady. Stephanie Ann with full of class! Lahat ng nakasanayan mo sa mabahong squatters area. Kalilimutan mo 'yon. Hindi ka dapat doon in the first place. Dito talaga ang mundo mo, Anne."
"Medyo nakakalimutan ko lang po 'yong naituro kasi nasanay nga ako sa amin. Pero sisikapin ko pong ilagay sa isip ko at gawin ko po araw-araw."
"It's understandable. Lahat ng natutunan mo, keep that in mind."
Tatlo lang kaming nag-lunch nila Mommy at Belinda. Tahimik sa hapag-kainan pag sila lang pala. Hindi din ako nagsasalita dahil wala naman akong sasabihin. Pumasok si Diana bitbit ang gold na sobre.
"What is it?" tanong ni Mommy at nagpupunas pa ng napkin sa gilid ng kanyang labi.
"Invitation po, Maam. Pinadala po ng Hacienda Madronero."
Nagpatuloy ako sa pagkain habang nakikinig sa sinasabi ni Mommy.
"Hmn, let me see. Ito 'yong sa Laguna, right?—Oh, tama ako! Senyor Wilfredo met them because of Governor Philip."
Nag-angat ako ng tingin at marahang nilunok ang pagkain. Sinisipat na ni Mommy ang laman ng sobre.
"This is for Senorita Stephanie Anne Oraza. Darling, this is for you pala. Would you like to read it?" sabi niya at inambang sa akin ang papel.
Inabot ko iyon at lahat sila inaabangan na kung anong nakalagay doon. Binasa ko ang nakalagay sa sulat. Iniimbitahan ako para sa darating na birthday nito.
Dear Senorita Stephanie Anne Oraza,
How are you? I hope you're doing well. I am Senorita Geselle from Hacienda Madronero in Laguna. My family heard the news from Governor Philip. You might be wondering why I am writing this letter to you. I am just delighted to know that you are finally home together with your real family.
Your Dad and my Lolo are friends. I became close to your Dad too, and I can testify that Senyor Wilfredo is such a caring and sweetest Dad you ever had. I always receive gifts from your Dad on my birthday. He never misses sending me gifts, and when I'm sick, he would call just to check on me.
I felt like I had a Dad because of him. I never experienced something like that because my parents died when I was little. I can't imagine how joyful it is for Senyor Wilfredo that you are now in Hacienda Oraza. Senyor missed her daughter for so many years.
Before I end this letter, I would like to invite you and your family to my birthday on January 30, 2022. I hope you can come so we can finally meet each other personally. I am sending you best wishes for good health, happiness today and in the future.
Sincerely yours,
Senorita Geselle Madronero
"Ano daw sabi?" sabi ni Mommy habang patuloy na sa pagkain. Ganoon na din si Belinda.
"Uh, invited daw po tayo sa birthday niya sa katapusan. Umabot po pala sa kanila ang balitang nahanap ako," sabi ko at tinignan ang isang card doon na nakalagay ang petsa, lugar, at oras ng birthday niya. Binalik ko sa loob ng sobre iyong card at papel.
"Really? We should look for our gowns na! That's like three weeks from now, eh. I know for sure her birthday would be the talk of the town na naman. She's a well-known Haciendera in Laguna. So, we expect it's extravagant! There's a lot of famous personalities, politicians, and socialites. That's what I'm talking about," sabay harap ni Mommy sa akin.
Natigil ako sa pagnguya. Nahagip ng mata ko ang pagsimpleng irap ni Belinda. Tila hindi niya nagustuhan ang sinasabi ng Mommy niya.
"You'll be going to meet those high profile personalities. Kaya you should know how to handle yourself when you're in the crowd. See? It's perfect timing kasi it's by the end of the month pa. For sure, marami ka ng natutunan from Sofia."
Ngumiti lang ako at marahang tumango. Wala ng masabi. Excited ako um-attend sa party ng mayayaman. Pero hindi ko alam kung sa panahon ba na 'yan. Kaya ko ng dalhin ang sarili ko o makihalubilo sa kanila.
Siguro naman? MWF ang class ko kay Miss Sofia. Sabi ni Mommy hihinto lang kaya nakita niya ng na-master ko na lahat. Kailangan unahin iyon bago ako i-enroll sa pag-aaral.
Kahapon bago ako umalis sa library. Nasabi ni Daddy na gusto niya mag-college ako at kunin ang business related courses dahil ako ang inaasahan niyang hahawak ng negosyo. Aminado ako na kabado ako sa responsibilidad pero gusto ko siya. Iyong isipin na balang-araw ako ang hahawak ng lahat ng negosyo ay nagbibigay ng excitement sa akin. Gusto ko na tuloy pumunta sa panahong alam ko na ang lahat. Marami na kong kayang gawin. Kaso imposible. Dadaan ako sa butas ng karayom. Hindi ganoon kadali.
"Mylene! Dali! Samahan niyo ko ulit sa farm," tawag ko sa dalawa ng umalis sa dining sila Belinda at Mommy.
Nagkamot ng ulo si Mylene.
"Senorita, mukhang uulan. Madilim sa labas. Hindi ba pinapapunta kayo sa office ngayon ni Senyor?"
Napangiwi ako. Nakalimutan ko 'yon!
"Oo nga pala!" Napatayo ako at nagmamadali kaming umakyat sa kwarto para mag-ayos ako ng sarili.
Nakahanda na ang sasakyan. Nagulat ako sa nakaparadang Porsche sa labas.
"Hala, kanino 'yan?!" tanong ko sa driver.
"Sa inyo po ito, Senorita."
Laglag ang panga ko at nagmamadaling bumaba sa hagdan.
"Dahan-dahan, Senorita!" bilin ng dalawa sa akin. Si Mylene at Silvia ang sasama sa akin dahil si Diana ay inutusan ni Mommy.
"Hoy, gagi ang ganda!" sabi ko at sinisilip ang loob. Nagtitili ako at hinipo ang sa salamin.
"Taray!"
"Senorita, pagagalitan tayo sa mga salita mo kapag nakaabot 'yan kay Senyora."
"Oops, sorry!" Humagikgik ako at pumunta sa hood ng kotse. Ang ganda talaga! Sa akin talaga 'to?!
Nagmamadali kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa at inabot kay Silvia.
"Picturan mo nga ko dali! Gandahan mo, ha! Saglit lang," sabi ko at sumandal ng kaunti sa hood at kunwaring tumitingin sa malayo.
"Mag-squat ka mag-picture. 'Yong kita ang legs ko pataas," utos ko sa kanya.
"Ang hirap naman. Mylene ikaw na nga! Hindi ako marunong mag-picture!" tawag niya sa isa.
Napakamot na lang sa ulo ang driver dahil sa kaka-antay sa akin. Pinaulit ko kasi hanggat hindi ko nakukuha ang magandang shot na nakuha nila.
"Tara na, Manong!" yaya ko at ako na ang nagbukas ng pinto para sa akin.
Napa-angat na lang ang kamay ni Manong, napangiwi at muling napakamot ng ulo.
"Senorita, inaantay mo dapat na pagbuksan ka," sabi ni Mylene pagpasok nila sa sasakyan.
Nilingon ko sila.
"Hayaan mo na. Tayo lang naman nakakaalam." Bumungisngis ako at medyo natawa sila ng alanganin.
Pakanta-kanta pa ako habang nasa biyahe. Pagdilat ko ay siyang hinto ng sasakyan.
"Tapos na? Dito na tayo?" sabi ko sa driver. Napatingin ako sa likod dahil binuksan nila Silvia ang pinto. Bumaba na.
"Opo, Maam."
Napasulyap ako sa harap ng five storey building. Tulad sa mga building sa Maynila. Ganoon din siya. Modern style. Made of glass nga ang walls. Para tuloy naliligaw na office sa gitna ng probinsya. Kasi ito lang ang magandang building along the hi-way.
Pinagbuksan ako ng pintuan. Tiningala ko ang building at binalingan ang dalawa na nakatingin din pala sa akin. Nag-aantay yata.
"Sa amin pa rin ba ito? I mean, lupa pa rin ba. Parte ng Hacienda?" tanong ko. Pinasadahan ko ang paligid. May ilang establishments din naman. Hindi ko sure kung amin din.
Tumango si Silvia.
"Eh?" hindi ako makapaniwala.
"Lahat po sila ay sa inyo. Warehouse po iyong naroon. Katabi po 'yong sorting station, logistics and packaging."
"Ang laki!"
"Opo, Senorita. Hindi mo pa yata alam ang ibang negosyo. Nag-bebenta din po tayo ng strawberry jams and delicacies. Kaya po 'yang isang building para sa mga pina-process po na food."
Tumango-tango ako. Nauna ako sa dalawa. Hinarang ako ng guard.
"ID, Maam."
"Hoy, ano ka ba. Anak ni Senyor 'yan!" sabi ni Mylene.
"Huh? Ay, sorry po! Ikaw po ba si Senorita, Anne?" humingi ng paumanhin ang guard at panay ang yukod sa akin.
"Opo. Okay lang. Marami pang hindi aware sa akin. P'wede ng pumasok?" turo ko sa loob. Mabilis itong tumango at sinamahan kami hanggang sa harap ng elevator.
"Kay Senyor kami," sabi ni Mylene.
Pagdating sa fifth floor ay may ilang departments pa kaming nadaanan. Ang iba ay kilala sila Mylene at Silvia. Matagal na kasing nagtatrabaho sa mansion at syempre napapadalaw din dito.
"Ayan na ang office ni Senyor. Dito lang kami sa lounge mag-aantay. Wala si Maribeth. Iyon ang secretary niya. Baka nasa loob kausap pa," sabi naman ni Silvia.
Tumango ako at kumatok sa office ng CEO. Iyon nakalagay, eh. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang babaeng hula ko ay ang tinutukoy ni Silvia na secretary ni Daddy.
"Yes?"
"Ako po si Anne—" hindi niya ako pinatapos magsalita at niluwagan ang pinto para sa akin.
"Senorita! Sorry, pasok po," sabi niya at minuwestra ang loob ng office ni Daddy.
Iniwan niya kami doon. Matapos kong magbeso ay pinaupo ako ni Daddy.
Don't slouch!
Napakurap-kurap ako ng tila narinig ang boses ni Miss Sofia sa isip ko. Napaayos tuloy ako ng upo!
Nahuli kong napangiti si Daddy.
"On the way na daw ang Tiya mo. May gusto ka bang kainin, hija?" malambing na sabi ni Daddy at titig na titig sa akin.
"Kumain na po ako sa mansion," simple kong sagot ko at hindi makatingin sa kanya. Hindi ako sanay at lalong nahihiya pa ko na maglambing o anuman sa tunay kong ama.
Tumango siya pero hindi inalis ang tingin sa akin.
"How was your class? Napagod ka ba? Kumusta naman ang lunch mo with your mom? How do you find her?"
"Po?" Natulala ako sa sunod na sunod na tanong ni Daddy.
Natawa siya ng marahan.
"Sorry, napadami ang tanong ko," aniya.
Dinaan ko sa mahinang tawa ang pagkailang. Pati pagtawa inaral ko kanina. Tinuruan ako ni Miss Sofia. Pero minsan nakakalimutan ko tulad kanina noong nasa labas kami ng mansion at nag-picture.
"Iyong class ko po. Okay naman. Mabait naman pero strict si Miss Sofia. Marami akong natutunan sa loob ng dalawang oras at sinusubukan ko po talagang gawin lahat ng sinasabi niya kahit wala siya. Medyo... nakakalimutan ko lang kung minsan pero siguro kalaunan masasanay din po ako." Napangisi ako at napakamot sa ulo. Muli na naman akong kumuba sa pag-upo. Nang mapansin ko iyon ay agad akong tumuwid ng upo.
"How about your mom? Your sister? How do you find them? Are they... treating you good?" halos mabitin ang huling mga salita niya. Nag-aalangan yata siya na banggitin iyon pero humahanga ako na nakukuha niya akong tanungin tungkol sa pangalawang asawa niya at sa anak nito. Ibig sabihin importante para kay Daddy ang opinyon ko tungkol sa kanila.
"Mabait po sila," sagot ko dahilan para lumawak ang ngiti nito.
"That's nice to hear. Anyway..." aniya at may sinilip sa drawer.
Sinundan ko iyon ng tingin at ganoon na lang ang kalabog ng puso ko ng makita ang mansanas na may kagat!
Nagkabuhol-buhol ang mga salita sa utak ko ng makita iyon. Malakas ang kutob ko na akin iyon. Ang matagal ko ng pangarap na cellphone!
Malamlam ang mga mata ni Daddy ng iabot iyon sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil sa tulala at sa saya!
Napatingin ako sa box na inaabot niya. Napalunok ako.
"This is my gift for you. Kunin mo na..." sabi niya dahil hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.
Nakagat ko ng mariin ang ibabang-labi.
"Thank you po..." sagot ko sa maliit na boses.
Pagkuha ko ay nilagay ko agad sa aking hita. Nahihiya akong buksan sa harap niya.
"O, bakit? Ayaw mo ba? Bakit hindi mo buksan?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"P'wede po?"
Natawa si Daddy at tumango.
"Oo naman. Sa'yo 'yan, eh."
Tumango ako at akmang magsasalita ng bumukas ang pinto.
"Sorry to disturb you two, but the visitor is here, Senyor."
"Let her in," sagot ni Daddy.
Tumayo ako dahilan para pigilan ni Daddy.
"Stay there, Anne."
Tumango ako at napatingin sa pagpasok ni Tiya Helena. Bakas sa mukha niya ang galak at pagkamangha habang pinapasadahan ang buong paligid.
"Anne!" aniya at tuwang-tuwa na makita ako. Namilog ang mga mata ko ng sumugod siya para yakapin ako.
Hindi kasi siya ganoon sa akin. Never ko naranasan na yakapin niya at tuwang-tuwa siya na makita ako. I mean, masaya siya na makita ako noon dahil hihingi siya ng pera. Pero iba ang ngiti niya ngayon.
Pinaupo siya ni Daddy at ramdam ko ang pagka-ilang ni Tiya sa kanya.
Naglabas ng papel si Daddy dahilan para kumunot ang noo ko. Iyon na ba ang agreement na sinasabi niya sa akin kahapon? Napatunayan ko iyan ng magsalita siya.
"Thank you for raising my daughter, Helena. Raising a child who is not yours is a hard job to do. Thank you for the 25 years of taking care of my daughter."
"Naku, Senyor! Wala iyon! Kahit sino ganoon ang gagawin. Mahal namin itong si Anne. Hindi ba, Anne?" Nakangising tanong ni Tiya sa akin sabay bagsak ng mga mata sa box na hawak ko.
Napakurap-kurap ako at natawa ng pagak. Ramdam ko ang mariing titig ni Daddy.
"Anyway, I really appreciate it so... I'm giving you this," aniya at kinuha ang checkbook at pumilas doon.
Kitang-kita ko ang pagningning ng mga mata ni Tiya Helena at hindi na mapakaling daliri niya. Tila nakutuban na malaking pera ang ibibigay sa kanya.
"Wow, five million?! Senyor, thank you!" sabi niya at mangiyak-ngiyak pa. Natatawa na naiiyak. Ganoon ko ilarawan si Tiya ngayon. Nawawala na yata sa sarili dahil sa laki ng pera na ibinigay sa kanya.
Kung ako siguro ganoon din ang reaksyon ko.
"Five million, Helena. But you have to sign this agreement," sabi ni Daddy at inabot na ang papel.
"Ano po 'yan, Senyor?" sabi ni Tiya at sinimulan ng basahin ang nakasulat doon. Tagalog naman yata kaya naintindihan niya.
"Hindi mo guguluhin si Anne simula ngayon. Limang milyon para sa pag-aalaga sa kanya. Kung kulang pa sabihin mo at dadagdagan ko. Malinaw ang mga nakasulat sa agreement. Si Anne ay anak ko. Ngayon ay pinuputol ko na ang anumang ugnayan mo sa kanya."
Umawang ang labi ni Tiya Helena. Hindi niya inaasahan na ganoon ang sasabihin ni Daddy. Nakakabigla. Diniretsya niya na si Tiya.
Hindi ko magawa siyang tignan dahil naiilang ako. Mali yatang nandito ako at nakikinig.
"Kulang pa ba?" Pinagsalikop ni Daddy ang mga kamay niya habang pinapanuod si Tiya Helena.
Huminga ng malalim si Tiya at tinitigan ng mabuti ang tseke.
"Sige, Senyor. Pero dagdagan mo pa ito ng limang milyon. Maski anino ko hindi na makikita ni Anne. Pangako ko 'yan."
Napaawang ang bibig ko sa request ni Tiya! Ako ang nahiya!
Tinitigan siya ni Daddy pero walang sinabi. Kalaunan ay tumango at nagsulat ulit sa tseke.