KABANATA 7

3006 Words
NANATILI  ako sa loob ng kwarto para silipin pa ang ibang gamit na naroon at syempre selfie ulit. "Hala, memory full! Buset na 'yan!" reklamo ko at napaupo sa kama para mag-delete ng mga pictures. Samsung ang cellphone ko at syempre lumang model na. May mas magaganda na nga ngayon pero hindi ako makabili dahil unang-una wala akong budget at okay pa naman ang phone ko. Kaya lang na-realize ko. Nakakahiya gamitin itong cellphone ko sa bahay. Tapos makikita ng ibang tao. Mas okay pa nga cellphone ni Mylene kaysa sa akin. Nakita ko latest model ng samsung. Naabutan nila ako na panay ang picture. "Hindi pa tapos, Senorita?" Natatawang sabi ni Diana. "Last na. Na memory full na nga ko. I-upload ko 'to sa f*******: pero naka only me. Para may remembrance ako." Humagikgik ako at napatingin sa meryendang bitbit niya. "Wow, cookies!" "Freshly baked po 'yan ni Chef," sagot ni Silvia at nilapag sa round table ang tray. "Saglit gusto ko doon kumain. Nakita ko maganda kasi dahil kitang-kita ang buong entrance ng Hacienda!" sabi ko at tumayo na para buksan ang balkonahe.  Naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin. "Maganda po talaga dito, Senorita. Paboritong room ito ni Senora Maricar noon. Itong kwarto mo," sagot ni Silvia habang inaayos ang mga kurtina at si Diana na ang naglapag ng tray sa round table. Kumunot ang noo ko ng matanaw si Belinda kasama si Gov! Si Gov 'yon! Nasa fountain sila at nag-uusap. "Gaano katagal ng patay si... Mommy?" iyon ang tanong na kanina ko pa naiisip pero nakalimutan kong banggitin naman kay Daddy. "Walong taon na rin," si Silvia ulit ang sumagot. Hindi ko maalis ang tingin ko sa dalawa. Si Gov na nangingiti pa habang kausap ang hindi makatingin na si Belinda. "Ilang taon ng kasal sila Daddy at Mommy Marinel?" Nilingon ko sila at abala si Mylene sa pag-ayos ng lamesa. Isa-isa niyang tinatanggal sa tray ang platito at nilalagay sa round glass table. "Tatlong taon na rin, Senorita," si Silvia ang sumagot. Pansin ko ang kadaldalan niya kanina pa pero okay lang gusto ko nga ng ma-chika kaysa sa tahimik. Humawak ako sa railings at pinanuod ang dalawa na nag-uusap pa din. Ano kayang ginagawa ni Governor dito at ano bang pinag-uusapan ng dalawa parang kanina pa sila hindi natatapos. Nakapamulsa si Gov habang hindi inaalis ang tingin kay Belinda. May dumaang kirot sa aking dibdib pero inignora ko na lang. Crush ko lang siya. Sayang, mukhang sila ni Belinda. Alam ko iyong klase ng ganoong tingin kapag may gusto ka sa tao. Si Belinda ganoon din. Hindi makabasag pinggan. "Uh, si Senorita Belinda at si Governor pala ang sinisilip mo," puna ni Diana ng mapansing nakatitig ako sa baba. Hindi ako nagsalita at umupo sa hinilang silya ni Mylene para sa akin. "Teka, hindi ko alam ang uunahin ko. Bakit ang dami? Hindi ko ito mauubos. Saluhan niyo ko!" yaya ko at kinawayan sila pero umiling silang tatlo. Napangiwi ako. "Bawal po kasi, Senorita." Napayuko si Diana. "Ano ba naman kayo! Wala namang may alam. Anong gagawin niyo kung hindi ko maubos ito?" turo ko sa cookies at cakes. "Tinatapon na po, Senorita. Lalo na si Belinda lang po ang mahilig sa sweets dito sa mansion. Ayan na lang naman po ang mayroon." Nanlaki ang mga mata ko. "Putcha seryoso 'yon?! Ay, sorry!" Natuptop ko ang bibig dahil nanlaki ang mga mata nila ng magmura ako. Sayang ang pagkain! Kailangan kong ubusin 'to! "Umupo na kayo dali! Walang magsasabi sa kanila. Ano ba naman kayo. Kaysa itapon ito. Ubusin na natin." "Kasi..." nagdadahilan pa si Mylene. Tumayo ako at nilagay ang cake ulit sa tray. Nag-agawan sila sa pagkuha ng platito sa kain. "Ako na, Senorita!" "Sa loob tayo para walang makakakita kung natatakot kayo. Dali!" sabi ko at iniwan sila doon para mauna ako sa loob. Sa huli napapayag ko sila at ubos lahat ng pagkain. Tuwang-tuwa si Mylene sa akin. "Salamat, Senorita! Nakakahiya nakikain pa kami. First ko 'to. Dalawang taon na ko dito, never akong sumabay kumain sa amo," aniya. "Naku! Pag ako kasama niyo sabay-sabay tayong kakain! Secret lang natin 'to!" Kinindatan ko sila. Humagikgik si Diana at Mylene. Si Silvia naman ay nag-thumbs up. Umalis ang dalawa para ibaba ang pagkain. Naiwan sa akin si Diana. Para kung may iuutos ako ay nariyan lang siya. "Pst! Alam mo ba bakit nandito si Gov?" tawag ko sa nakaupong si Diana.  Binuhay niya ang TV at nanunuod kaming dalawa. Wala akong balak maglibot sa buong mansion ngayon dahil napagod ako sa ginawa kong pag-selfie at libot pa lang sa kwarto. Siguro bukas na lang.  Gigising ako ng maaga. Kaya nagpasya akong tumambay sa kwarto na muna at manuod ng movies. "Ang dinig ko Senorita ay kakausapin kasi siya ni Senyor. Grabe nga kasi lagi 'yang busy pero pag sinabi ni Senyor na pumunta siya. Talagang pupumunta si Gov." Napataas ang kilay ko at napatingin sa kanya. "Talaga? Mabait ba si Gov?" tanong ko at humalukipkip. Napatingin siya sa akin at tumango. "Mabait po. Naku, Senorita! Pinag-aagawan 'yan dito. Crush 'yan ng taga Batangas. Kasi nasa kanya na lahat. Mayaman, edukado, mabait, magalang, basta lahat na! Hindi rin babaero 'yan si Gov!" aniya at tila ba nabuhay ko ang parte sa kanya kaya naging madaldal siya. "Crush mo, noh? Dami mong alam, eh," sabi ko sa kanya. "Si Senorita talaga! Syempre, crush ko. Crush lang. Lahat kami crush..." sabi niya at nahihiya na. Ayaw ng tumingin sa akin. "Asus! Crush lang naman. Totoo namang gwapo," wala sa sarili kong sabi sabay ayos ng upo. "Bakit? Crush mo din, Senorita?" "Kaunti lang," sabi ko at nilangkapan na parang tinatamad pa ko pag-usapan iyon. "Kaso silang dalawa na yata ni Belinda. Pareho naman kasing gusto nila ang isa't-isa." Nakuha niya ang atensyon ko doon. Parang lumalabas ang pagiging inner Marites ko dahil sa mga kasambahay. Ewan ko ba bakit interesado pa ko sa buhay ni Governor Philip kaysa sa buhay nila Daddy dito. "Mukha nga. Nakita ko sila iba ang titigan. Bagay din naman..." sabi ko na lang at binaling ang mga mata sa TV. Naghanda ulit ako para sa dinner. Dress ulit at nakaayos na naman ang lola niyo. Okay naman sa akin nag-e-enjoy ako sa ganitong set-up. Wala na si Gov ng lumabas ako ng kwarto. Marahil umuwi na nga. Sumaglit lang sa mansion dahil kakausapin daw ni Daddy. Ewan ko bakit may dumaang panghihinayang sa dibdib ko. Iniisip ko kasi kapag magkikita kami ay magpapasalamat ako or mag-uusap kami saglit tungkol doon sa nangyari sa DNA result. Kaso 'yon nga wala na siya. Sa susunod na lang. Sobrang saya ko sa unang gabi ko sa mansion. Sobrang kumportable ko sa kama! Kahit gumulong-gulong ako hindi ako mahuhulog. Hindi na mananakit ang likod ko dahil sobrang lambot na. Hindi ako nahirapang matulog! Nagising akong naghihilik at nakanganga pa. Kung hindi sa paggising ni Manang Leonora hindi ako kamo magigising. "Ihawi ang mga kurtina," dinig kong utos niya kila Diana at Mylene. "Anong oras na ba?" Umuungol pa ako at nakita kong hindi pa masyadong mataas ang araw. Maaga pa. "6 AM na Senorita at kailangan mo ng maligo para maghanda sa almusal mamaya. May isang oras pa," sabi niya at sinenyasan ang dalawa na lumapit sa akin. Umungol ako. Maaga akong natulog pero gusto ko pang matulog ulit. Ang aga naman kumain. "Required ba talagang sumabay sa pagkain?" Nakangiwi at magulo pa ang buhok ko. Hinila ako ng marahan ng dalawa kaya tuluyan akong nakaalis sa kama. "Oo, Senorita. Sabay-sabay ang kain dito at mamaya kasi ay papasok na si Senyor sa opisina kaya mahalaga sa kanya na sabay kumain lalo na sa almusal." Hindi na ko nagsalita. Sumunod na lang ako sa banyo at naligo. Bawat galaw ko ay naka-assist sila sa akin. Matapos akong ayusan at bihisan ay lumabas na kami. Bawal daw kasi ang late. Maaga ako ng sampung minuto at naroon na sila Mommy at Daddy pero wala pa si Belinda. "Nasaan si Belinda? Pakitawag, Manang," utos ni Mommy matapos bumeso sa akin. "Good morning, darling. Greet your Dad too," utos niya at nilapitan ulit ang isang katulong para mag-utos. "Good morning po," bati ko kay Daddy at bumeso. "Good morning, Hija. Kumusta ang tulog mo?" tanong niya. "Ang sarap po ng tulog ko." Humagikgik ako at umupo na sa dati kong pwesto. Ang dami na namang pagkain. May chef din sa mansion kaya pala masarap palagi ang pagkain. "Oo nga pala. Your auntie will be at my office later. You can come with me too. Para makita mo din ang opisina." Tumango ako. Gusto ko din syempre. Tsaka na ko lilibot sa mansion. Sasama muna ko kay Daddy. "Oh my, anong oras 'yan? Kasi may instructor na ko para sa etiquette class niya. Ang personality development ay next week pa available ang nakausap ko. It's okay though kasi isasama ko ang dalawa sa mall. Ipagsa-shopping ko na din si Anne." Ngumiti sa akin si Mommy. Parang nag-heart yata ang mga mata ko ng sinabi niyang magsa-shopping daw! Excited ako! Kinilig ang tumbong ko doon, ah! "Come here, Belinda! Good morning, hija!" Bumati si Belinda sa kanila. Natulala ako habang pinapanood ko siya. Bawat galaw kasi niya ay elegante tignan. Parang mababasaging pinggan. "Good morning, Ate..."  Pati boses mahinhin. Nahiya ang boses kong parang laging naghahamon ng away pero normal ko lang 'yon. "Uh, good morning!" sambit ko at umupo na matapos niya akong ibeso. Grabe naman itong mayayaman. Beso-beso. Sa amin tamang 'uy!' lang tapos wala na. Minsan wala pang batian. Kainan na. Nagsimula na kumain. Katulad kahapon sinigurado ko na maingat ako sa bawat pag-angat at baba ng mabigat na lintik na kutsara at tinidor na 'to. Masarap ang pagkain. Naparami ako at sunod-sunod ang subo ko. Nabitin sa ere ang kutsara ko ng makitang titig na titig si Belinda sa akin. Pagkatapos ay ngumiti. Nahihiya akong ngumiti at nagdahan-dahan sa pag nguya. Nakalimutan ko. Bawal ang patay gutom dito. "10 AM ang start ng class niya. One hour lang naman and I can accompany her to your office," sabi ni Mommy na tinanguan ni Daddy. "Hija, you can roam around the mansion while waiting for your instructor. Hindi mo pa nalibot ang buong mansion hindi ba? Sasamahan ka ni Diana at Mylene." Napatingin ako sa dalawa na naka-stand by lang sa gilid. Ngumiti at kumuway sa akin. Nginitian ko sila at tumango ako ng sunod-sunod kay Mommy. Halatang excited ang lola niyo! "Ate, you have some stain on the side of your lips," puna ni Belinda. "Huh? Dito?" turo ko sa kaliwang side ng lips ko. Umiling siya. "No, sa kabila," sabi niya kaya lumipat ako sa kanan at pinunasan ko iyon ng daliri. Napatikom siya ng bibig at kumurap-kurap. Natawa si Daddy. Bumuntong-hininga si Belinda na parang na-disappoint siya. Ngumiti naman si Mommy. "It's okay. She'll know better when she starts the class. I will transform her into a regal... sophisticated Stephanie Anne Oraza." Ngumiti na lang ako sa deklarasyon ni Mommy. Nahiya ako! Ang tanga-tanga. Nakalimutan ko gagamitin pala ang table napkin! Tapos tap-tap sa side ng lips. Tulad ng nakita ko na ginagawa ni Belinda. Sinubukan kong gayahin at nahuli kong nag-iwas ng tingin si Belinda at hindi ko alam kung namamalikmata ako sa nakita na iritasyon sa mga mata niya. Siguro naman hindi. Kasi mukha naman siyang mabait. Gusot-gusot at magkabilaan na ang stain ng napkin ko. Naaliw naman ang dalawang matanda sa akin. Dinaan ko na lang sa ngiti ang lahat. Marami pa nga akong dapat pag-aralan para bumagay sa mundong kanilang ginagalawan. "Dito po gym. Tapos guest room na po iyang kasunod hanggang sa dulo." Tumango-tango ako. Inisa-isa namin ang mga kwarto. Nakakapagod, ha! Paano pinag-heels ako. Buti na lang pagbaba naka-elevator na. Sa labas naman kami ngayon! Ngiting-ngiti ako ng bumukas ang elevator at nauna pa kong maglakad papunta sa main entrance ng pumasok si Governor. "Uy, Gov! Ay, sorry. Good morning, Gov!" bati ko. Tinignan niya lang ako at nginitian. Pumungay yata saglit ang mga mata ko dahil sa lalim ng dimples niya! "Good morning! Hindi na kita nabati noong nandito ako. Nasa kwarto ka daw kasi. Kumusta na?" sabi niya at unti-unting naglakad palapit sa akin. Pakiramdam ko saglit na tumigil ang oras. Ewan ko bakit ang gwapo-gwapo niya lalo sa paningin ko. O, sadyang maaliwas lang ang mukha niya at malinis kasi talaga tignan. Diyos ko! Ang bango-bango ni Gov! "Hi, Gov! Good morning!" bati ng dalawa kong kasama. Nginitian niya iyon at binati din. Grabe naman napaka-approachable pala ni Gov. Noong una kong kita sobrang seryoso pero ngayon medyo light ang mood niya. Bumaling siya sa akin at tila inaantay ang sagot ko. "Uh, okay naman! Gov, thank you ha? Dahil sa'yo nag 360 degrees ang buhay ko! Salamat po sa effort. Nasabi ni Daddy sa akin ang tungkol sa ginawa niyang pag-utos sa'yo na hanapin ako." Mas lalo itong ngumiti at parang slow mo pa sa paningin ko ang bawat kurap ng mga mata niya! Ang dami kong nakita at naging boyfriend na gwapo pero bakit ngayon lang ako nagkakaganito sa tulad niya. Kumalabog ang dibdib ko. Mabilis akong napahawak doon. "O, bakit?" nag-aalala niyang tanong.  Natawa ako at umiling. "Wala ho. Uh, ikaw Gov? Anong ginagawa mo dito? Ako kasi mamasyal sa buong mansion." "Uh, wala akong pasok ngayon at nakapangako ako kay Belinda na tutulungan ko siya sa assignments niya. Saglit lang naman ako at aalis din sapagkat ako ay may sisiliping bagong bukas na health center sa kabilang bayan." "Ang sipag niyo Gov. Kahit walang pasok talagang magtitingin pa kayo ng facility." "Ako ay nanumpa at nagtatarabaho para sa taong-bayan. Tungkulin ko ito at tinanggap ko kaya ayos lang. Masaya ako sa aking ginagawa," sabi niya dahilan para humagikgik ang dalawang katulong ko sa likod. Ang swerte naman ni Belinda. May private tutor. Mahalaga siya kay Gov kasi pinaglalaanan pa talaga siya ng oras. Isang malaking sana all! "Bueno, ihahatid na kita kahit hanggang sa main door lang," sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad.  Nakita ko ang dami ng body guards niya sa loob. "Hala ang dami mong sekyu! Nakatayo lang talaga sila diyan?" hindi ko napigilang itanong dahil nasa sampu yata ang naroon. "P'wede rin silang umupo at pumasok sa loob. Kaya lang mas gusto ko na nakabantay sila sa labas. Safe naman ako sa loob. Matagal na akong nandito sa mansion. Bata pa lang ako ay bumibisita na ako dito. Kaya safe na safe ako sa mansion." Tumango ako at sumenyas siya sa driver ng mini shuttle. Inalalayan niya pa ako pababa sa hagdan. For the very first time! Nahawakan ko ang kamay niya. Pasimple kong tinignan iyon. Ang laki-laki at sakop ang buong palad ko. Nag-init bigla ang aking pisngi at nag-iwas ng tingin. Na-touch ako sa gesture niya. Ang gentleman naman nito! Naghabilin siya sa driver bago nagpaalam sa akin at umalis. Naiwan akong natulala pero dinig ko ang hagikgikan ng dalawang katulong ko sa likod. Umandar ang shuttle. "Ang gwapo ni Gov! Ang bait-bait talaga! Ang swerte ng mapapangasawa niya. Sayang hindi si Senorita Geselle ang nakatuluyan niya." Kumunot ang noo ko at kunwaring hindi interesado dahil hindi ko sila nilingon. Humikab pa ako. Ayoko namang masabi nila na excited ako sa kung ano mang impormasyon nila tungkol kay Gov. "Sino 'yon? Senorita din?" simple kong tanong at tumingin-tingin sa labas. "Kuya, doon tayo. Ipapakita namin kay Senorita ang ekta-ektaryang farm nila." Hagikgik ni Diana. Hindi pinansin ang sinabi ko. "Sabi ko sino 'yong isang Senorita?" Nilingon ko na sila. "Huh? Uh, 'yon pong taga- Laguna. Sikat po iyon at naging karelasyon ni Gov. Mayor pa siya no'n. Mahilig yata siya sa mga Senorita kaya tignan mo. Gusto si Belinda," sagot sa akin ni Diana. Naghagikgikan ulit silang dalawa ni Mylene. Hindi na ko kumibo at inabala ko ang paningin sa maganda at malawak na tanawin. "Uuwi din tayo agad kasi may klase ka daw mamaya," sabi ni Mylene. Tumango lang ako at nanatiling tahimik. Naagaw ng farm ang atensyon ko. Bumaba kami sa strawberry farm. Nakakatuwa na kapag nag-crave ka ng strawberry. Mamimitas ka na lang! "Gusto mong mamitas, Senorita?" Tumango ako ng sunod-sunod. Nakita ko kasi may bunga na ang iba! May ilang trabahador akong nakita at bakas ang pagtataka sa mukha ng mapansin ako. Agad ding bumati at ngumiti ng ipakilala ako nila Diana at Mylene. "Si Senorita Stephanie Anne po ito." "Totoo nga ang balita na nakita ka na! Welcome po sa farm Senorita!" Ngumiti ako sa ilang matandang staff doon. Inabutan ako ng basket at pinagpalit ng boots. Excited akong pumitas ng strawberry. May nagtuturo pa talaga sa akin kung ano ang magandang pitasin at iyon bang p'wede na. "Nag-e-export nito sa ibang bansa?" tanong ko. "Yes, Senorita. Mostly sa US and UK. Supplier din po tayo sa ibang stores and mall." Napaawang ang bibig ko. Yayaman ka talaga sa business na ganito. Exportation. "Wow ang dami na! Hindi ko yata mauubos ito. Tulungan niyo ko, ha?" Dungaw ko sa dalawa kong katulong na nakasunod sa akin. Napangiwi sila. "Senorita, nauumay na kami diyan. Araw-araw na kaming nakain ng strawberry." Napakamot sa ulo si Diana. Natawa na lang din ako. Nawili ako sa pamimitas kaya imbes na titignan pa ang ibang farm at iyong major business na sugar cane. Hindi ko na nagawa dahil alas diyes na. Nagmamadali kaming bumalik sa mansion. Mabuti na lang naka-shuttle. Ang hirap kung maglalakad at tatakbo. Sobrang layo kasi. Ang lawak ng Hacienda. Parang buong barangay na nga yata ito. "Hi! I'm Sofia Carillo, your etiquette teacher!" Ngumiti ako ng bumati sa akin ang babaeng matangkad, maputi, petite at puno ng pagka-elegante. "I should leave you two. Magpapadala ako ng snacks in a while. Sofia, ikaw na ang bahala sa anak ko. I trust you so much on these." "I got you, Senyora," sagot niya at ngumiti ng tipid. Grabe naman kahit ngiti parang dutchess lang sa UK. "So... let's start?" sabi niya at nginitian ako ng pagkatamis-tamis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD