HINDI ko nagustuhan ang narinig. Malakas pa ang loob niya ipagyabang iyon sa kapwa rin niya katulong? "Bale, ayan Senorita. Alam ko na masama ang mag-video. Pero naiinis na kami sa kanya tapos nagyayabang na siya habang kausap sila Ainah. Natyempuhan pa ganyan sinabi niya. Video lang sana 'yon na nahuli silang tsismisan ginagawa hindi nagtutupi ng damit." Panay ang taas-baba ng aking dibdib sa sinabi ni Diana. Kinuha ko ang cellphone sa kanya at balak kong ipakita kay Philip. "Lumabas ka muna. Mag-uusap kami ni Philip. Ipapatawag rin kita mamaya. Pahiram na muna nito," sabi ko sa kanya. Inantay ko talaga na matapos si Philip na maligo at magbihis. Nakangisi pa siya ng maabutan akong nakaupo sa kama at nakatitig sa TV. "Panoorin mo 'to," sabi ko sabay abot sa kanya ng cellphone at ipi

