HINDI na rin ako bumaba para sumabay sa tanghalian dahil nasabi sa akin ni Diana na hindi rin daw sasabay si Philip gawa nang may meeting pa rin daw ito kaya nagpadala na lang ng pananghalian. Kaysa na makasabay ko iyong mag-ina. Sa taas na lang din ako. Tutal may klase rin naman ako mamaya. "Si Senyora lang po mag-isa. Hindi rin bumaba si Belinda," sabi ni Diana. Hindi ko na lang pinansin. Bahala sila. Kumain lang ako mag-isa at nang dumating ang susunod kong prof naging busy na naman hanggang sa sumapit ang hapon. Pagpatak ng meryenda ay lumabas ako para magsabay ulit kami ni Philip na kumain. Gagawin ko nang habit ito ngayong nandito siya. "Iaakyat ko na lang po iyong pagkain sa kwarto ni Gov, Senorita," sagot ni Diana at bumaba na sa hagdan para kumuha nang pagkain. Hindi pa ko nak

