KUMALMA ako sa ginawang pag-amin ni Philip. Kahit na aminado akong nababahala ako dahil nariyan si Belinda. Napatanag ang puso ko dahil sigurado akong hindi basta-basta mauuto ni Belinda si Philip. Kasabay namin si Philip pagsapit ng dinner. "Kumain ka pa, hijo. Manang! Palagyan nito," turo ni Mommy sa bowl na walang laman dahil nasimot na ni Philip ang caldereta. Natawa si Philip. Ramdam niya iyong masayang pagtanggap sa kanya ng pamilya nang nalamang dito na muna siya titira. Tahimik lang akong kumakain sa kanyang tabi pero may ngiti sa labi. Kanina pa niya ako inaasikaso. Tulad noon. Simpleng gesture niya noon sa akin ay bumabalik ulit ngayon. "Want more?" bulong niya ng makitang naubos kong inumin ang ice tea. Umiling ako. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Belinda n

