NAPABALIKWAS ako nang bangon sa sinabi ni Diana. "Kapag ako niloko mo. Makakatikim ka sa akin!" sabi ko at gulo-gulo pa ang buhok ko ng umahon na sa kama. "Totoo nga, Senorita! Nasa baba na si Senorito Charles. Kinakausap nila Senyor at Senyora," segunda ni Mylene. Napaawang ang bibig ko at nagmamadaling pumasok sa banyo para maligo at maghilamos. Kinalampag nila ang pinto. "Papasok kami Senorita! Hindi pa namin naihanda ang bath tub!" sigaw ni Silvia sa labas. "Kaya ko ng mag-isa! Shower lang ako! Pasabi saglit lang kamo!" sigaw ko naman mula sa loob. Nagkukumahog ako maligo. Nakakahiya naman syempre na bababa akong mukhang binagyo ang itsura. Kaya naman sinigurado kong maayos o presentable ang itsura ko. Matapos i-blower ng buhok at naglagay ng lipstick. Okay na ko. Crush ko din