KABANATA 22: RAMDAM ko 'yong pagbabago ng pakikitungo nila sa akin. Mas naging malambing si Mommy at hindi na ganoon ka-istrikto tulad noon. Pero syempre dahil nandito ako sa mansion. Pinapakita ko naman sa kanila na may improvement ako. Sa pananalita at sa pagkilos. Kapag andiyan lang sila Mommy. Kapag kami-kaming tatlo na lang nasa kwarto. Kilala ako ng mga katulong ko. Siguro sa paglipas ng panahon. Ma-a-adopt ko din itong buhay sa mansion. Iyong as in hindi ko na masasabi iyong mga salitang kalye. "O, Belinda? Bakit nandito ka nag-aaral?" tanong ko ng maabutan sa veranda si Belinda. Nagsusulat ng notes niya habang may mga librong nakalatag sa ibabaw ng lamesa. Tinignan niya lang ako. Hindi man lang nginitian at binalingan ang notes niya. Akala ko talaga hindi niya ako kakausapin p